Chapter 1.5

17.3K 228 23
                                    

Chapter 1 part 2

"Eh gago ka pala eh. Hindi lang ikaw ang nahihirapan. Lahat naman tayo ay iniwan ni Eunice ah. Hindi lang ikaw. Kaya pare-pareho lang tayo."

Oo. Tama nga lahat ng sinabi niya. Pero..

" Hindi tayo magkatulad! Hindi niyo kasi nararamdaman yung nararamdaman ko. Ako ang kasama niya nung mga panahon na yun. Hindi ko siya nailigtas. Ang tanga tanga ko. Sana ako nalang ang namatay at hindi siya."

"Ahh. Yun ba. Gusto mo ako nalang ang pumatay sa'yo?ha? Para di na sya nagiisa kung nasan man siya!?"

Susuntukin na niya ulit sana ako kaya lang biglang bumukas yung pinto. Si Mama pala.

"Ethan. Tama na.." pagmamakaawa ni Mama.

Tama nga si Ethan. Hindi lang ako ang nahihirapan. Hindi lang ako ang nasaktan. Lahat kami.

" Tristan. Umuwi ka muna. Ako na ang magbabantay sa anak ko."

"Sige po Tita" -ethan

At lumabas na nga siya ng kwarto.

"Anak. May gusto sana akong sabihin sa'yo. May nilihim ako sayo. Tungkol kay Eunice. Ngayon lang ako nagkaron ng pagkakataon. Iba ang kwinento namin sayo. "

Huh? Alin ang iba??

(medyo naguguluhan siguro kayo kung ano yung nangyari kaya eto, magkakaron muna ng flashback)

Flashback

11:30 pm

Kakatapos lang ng party na pinuntahan namin ni Eunice. Nagkaron kasi ng party dahil tapos na ang klase at 4th year na kami next school year. Gusto lang nilang magcelebrate kasi tapos na raw ang mga paghihirap nila. Haha. Pauwi na kami ngayon at nakasakay sa motor ko. Mukhang pagod na pagod na siya ah. Pero maganda pa rin. Napakaswerte ko naman. Nagkaroon ako ng napakaganda at napakabait na girlfriend.

Naramdaman ko naman na humigpit ang pagkakayakap niya sakin. Dahil wala naman masyadong sasakyang nadaan. Tiningnan ko siya saglit. Bigla na lang nagliwanag at may malakas na tunog ng sasakyan. Tumalsik kami sa lakas ng pagkakabangga samin nung kotse. Sa lakas ng tama, nabasag ang salamin ng side mirror at natamaan ang mata ko. Halos hindi na ako makakita sa dami ng dugo na natulo mula sa aking mga mata.

Hinanap ko kung nasan si Eunice. Nakahiga na siya at hindi nagalaw.

"EUNICE!"

Lumapit agad ako sa kanya at sinubukang gisingin. Hindi ko na inintindi ang mga sugat ko sa katawan.

" Huwag Eunice. Huwag mo kong iwan. Gumising ka Eunice. EUNICE!!"

Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Hinanap ko kung nasan na yung nakabangga sa amin. Nawala nalang ng parang bula. Ni hindi man lang niya kami tinulungan.

"TULONG! Tulungan niyo kami!"

May sasakyang tumigil sa tapat namin. Lumabas ang isang matandang babae sa kotse niya at napahawak sa kanyang bibig sa kanyang nakita.

"Teka lang, hijo. Tatawag tayo ng ambulansya. Wag kang magalala. Maliligtas ang kasama mo."

lumipas ang ilang minuto, may narinig na akong ingay ng sasakyan. Ambulansya na yun. Papalapit na ng papalapit yung sasakyan. Ngunit, nawawalan na ko ng lakas. Hindi ko na ata kaya. Marami rin akong natamong sugat.

"hijo. Ayos ka lang??hijo!!!"

Pagkatapos nun wala na kong maalala.

*hospital.*

Ahhh!! Teka? Bakit ang dilim? Sinubukan kong idilat ang mga mata ko ngunit hindi ko magawa. Nakabenda ang mga ito. Teka. . Si Eunice. Nasan si Eunice? Ayos lang kaya siya.

Tumayo ako sa kama ko. Kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Idagdag mo pa na wala akong makita. Ang importante makita ko siya. Malaman ko kung ano na ang kalagayan niya. Kung okay lang ba siya.

May narinig naman ako na tunog na parang bumukas na pinto.

"SKY!! Gising ka na rin! Maupo ka muna at baka ka matumba"

si Mama yun. Narecognize ko yung boses niya.

" bitiwan niyo ko. Si Eunice! Nasan si Eunice. Ano ng nangyari sa kanya!"

" Anak.. Si Eunice."

may narinig naman akong paghikbi. Si mama, umiiyak siya. NO! Hindi to maari ! ! Hindi to pwede!

"MA! Ano! Sagutin niyo ko!! Ma!"

Tumulo ng unti unti ang aking mga luha. Wala na. Wala na siya. Iniwan na niya ako..

-END OF Flashback.

Sleepless Nights Season 1 and Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon