Chapter 25 part 1

5.4K 60 6
                                    

Two months later.. Fastforward na naten ha?.. XD

Napakabilis ng panahon, Tuesday ngayon.. tatlong araw nalang, monthsary na namin ni cheska. Actually, second monthsary namin to. Alam kong medyo nagtatampo na sya kasi nung first monthsary namin, wala man lang akong binigay sa kanya. Niyaya ko lang syang kumain sa labas. Sinasabi ko na sa inyo. HINDI PO AKO KURIPOT. Lalo na sa girlfriend. May pinag-iipunan lang talaga ako. Naaalala nyo pa ba nung araw na iniwan kami(ako at si warren) ni cheska sa mall.. Nakita ko sya sa tapat ng isang jewelry store.. I think gusto nyang bilin yung isang necklace don. Pano ko nalaman? Kasi naman, tuwing napunta kami ng mall, pag nadaan don, lagi syang napapatingin tapos sasabihin pa nya.

"ang ganda talaga nun..gusto ko sana kaso wala kong pambili"

hindi ko lang maintindihan kung sinasabi nya ba yun kasi gusto nya lang talaga yon o sinasabi nya gawa nang gusto nyang bigyan ko sya non? Pero kahit na. Di ba pag may mahal ka, handa kang ibigay kahit ano. Kaya kahit gaano pa kamahal yon eh pinag-iipunan ko parin. Kaso, tatlong araw nalang kulang parin ako ng 5,000.. Haayy.. Di naman ako makautang kina Kevin at Tristan kasi alam ko may pinagkakagastusan din yung mga yon. Tsaka kuripot naman yung dalawa eh.. Kay mama, nahihiya naman akong humingi. Haaayy!!

Nandito ako ngayon sa labas ng room namin. Uwian na. Si Cheska nasa loob pa, nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nyang babae..

"sky.." ayokong tumingin.. -____- kikala nyo na siguro kung sino yung tumawag sakin. Si K*m.. Ayokong sabihin ang pangalan. Lalo lang akong nab-bwisit! >_____

"sky,you're so suplado..hmmm..is there any problem?? Financial problem??"

bigla kong napatingin ako sa kanya.

"paano mo nalaman?teka..sinusundan mo ba ko?!!"

nagtatrabaho kasi ako after uwian para makakita ng pera. Mukang nagtatampo na nga si Cheska kasi hindi na kami nagkakasabay eh.

"no.. Im just guessing.." she said.

"so para san mo naman gagamitin ang pera?" she asked.

"wala ka na don.." umalis na ko dun sa pwesto ko. Papasok na ko ng room.

"for cheska?.."

napatingin ako sa kanya..

"right??" she asked.

"ano ba talagang gusto mo!"

"ikaw..ikaw lang ang gusto ko sky..wala ng iba.."

"tigilan mo na nga ako.. "

"i'll lend you money.. Magkano pa ba ang kailangan mo? Wait. Bibigyan kita. Kahit araw araw pa.. Maging sakin ka lang, Sky.."

nagalit na ko dun sa sinabi nya.

"look.. Kim, hindi lahat ng bagay nabibili ng pera. Lalo na ako. Hindi mo ko mabibili ng pera.. Mas gustuhin ko pang magpakahirap sa pagtatrabaho para makaipon ng pera kesa humingi sayo.. Sayo na yang pera mo.. Di ko kailangan nyan.."

umalis na ko sa harap nya. Naiinis na ko sa babaeng yon. Kelan nya ba kong tatantanan.. ???

Lumapit na ko kay Cheska..

"sky.." sabi nya sa pagkakakita sakin.

Hinalikan ko sya sa pisngi..

"di na naman kita mahahatid ngayon. May pupuntahan pa ko eh..sorry.."

nakita ko na sumimangot yung mukha nya.

"hmp!! Oo na. Wala naman akong magagawa eh.. Kay Warren nalang ako sasabay.."

tiningnan ko sya ng masama.

"haha..joke lang no..papasundo nalang ako kay kuya.."

"dapat lang!! wag ma wag lang kitang makikita na kasama yung kumag na yon.. Papatayin ko sya.."

"haaay..ewan ko sayo..ayan ka na naman..ano ka ba! Friends lang kami nun eh.."

"yeah, ikaw kaibigan mo sya pero mukhang sya, iba ka para sa kanya.." sabi ko.

"ewan ko sayo..kung ano ano naiisip mo.."

"o pano..alis na ko ha?" sabi ko.

"ok..ingat ka.."

"oo ako pa.." hinalikan ko sya sa no tapos umalis na ko.

San naman kayo ko magtatrabaho nito?? Lahat na ata nagawa ko na! Waiter, delivery boy, cashier, carwash boy, pati nga janitor eh. >_____

Pumunta ko sa jewelry store dun sa mall kung san mabibili yung necklace na gusto ni cheska.

Yes! Nandon pa rin yung kwintas!

Pumasok ako sa loob.

"uhmm..miss.."

" o ikaw pala sir sky.."

nagtataka kayo kung bakit niya ko kilala? Alam nya kasi na pinag-iipunan ko yung necklace eh.

"wag nyong ipagbibili yun ha.."

"opo sir..ang kulit nyo po eh..ilang beses nyo ng sinabi yan.."

"basta ahh..wag mong pagbibili..ge, alis na ko..maghahanap pa ng trabaho eh.."

palakad na sana ko kaso bigla nya kong tinawag.

"naghahanap po kayo ng trabaho? Yung kakilala ko po kasi naghahanap ng magaalaga sa anak nya bukas. Aalis daw kasi sya eh walang mapaghabilinan sa bata. Ano po, gusto nyo?"

"ahh..ehh..anong oras naman yon?"

"10am po ata. Tapos 11pm nasa bahay na sya. So gusto nyo po?"

hindi pa ko sumasagot.may pasok kasi ako bukas. Kung makaabsent kaya? Hmmm..

"o sige po.."

looks like I'm going to be a babysitter then..

****

hahaha. Ayan inaadvertise ko yung isa kong story. THE BABYSITTER! Sana mabasa nyo din yon. Vote and comment din. Hahaha! Please! Yun nalang ang pag-asa ko. Itong sleepless nights wala ng pag-asang makabalik sa what's hot. Pero okay lang naging masaya na naman ako kasi naging no. 1 na to dati eh. Salamat sa inyo! XD

Sleepless Nights Season 1 and Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon