Chapter ▪19

11 0 0
                                    

Asheya's PoV

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto. Medyo sumasakit ang ulo ko,atsaka ang likod ko ay kumikirot din.

"You're awake"

Napalingon ako sa gilid ng kama.
Nakita ko si Clyde.

"Hey ayos naba pakiramdam mo? Ayos kana ba? May kailangan kaba? Tubig? Juice? Kape? Oh baka gusto mo namang kumain? Tell me" napatawa ako sa mga sinasabi niya

Halata kasing nag-aalala talaga siya.

"Hey don't laugh at me,I'm serious here" seryosong saad niya

"Hmm okay na naman ako, mukhang kailangan ko lang ng tubig"
Pagkasabi ko nun ay dali dali syang kumuha ng tubig sa gilid ng kama

"Here" at inabot niya sakin ang baso ng tubig

"Salamat" ngiti ko rito

"Bukas na bukas aalis na tayo rito" seryosong saad niya

"Huh? Bukas agad?" Takang tanong ko

"Yes, at kailangan mo nang maghanda" sabi niya

Napatango na lamang ako. Kahit papano ay maganda ang naisip niya para naman hindi ko na makita yung Devin na yun. Naaalala ko lang yung mala demonyo niyang ngiti ay kinikilabutan na ako.

"Just wait here. Kukunin ko lang yung pagkain sa baba" tumango na lamang ako

Medyo okay na naman ako. Kaso kapag naaalala ko yung nangyari kanina ay hindi ako mapakali. Mas lalo tuloy akong naguguluhan sa mga nangyayari.

Marahan kong hinaplos ang maumbok na tyan ko. Kahit papaano ay panatag ako na nandito ang anak ko, akala ko kasi ay makukunan nako dahil sa stress.

Unti unti akong bumangon at pumunta sa labas gusto ko kasi sanang tulungan si Clyde. Ayoko naman kasing laging nakahilata lang sa kama buong araw.
Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang tatlong malalaking lalaki. Nakaputi silang lahat at brusko ang dating. Puro sila naka shades at halatang malalaki ang katawan.

"Pasensya na po maam pero hindi po kayo pwedeng lumabas" sabi nung isa

"Ahm paumanhin ho, pero sino kayo at bakit hindi ako puwedeng lumabas?" Takhang tanong ko

Pinagbabawalan ata ako ng mga ito na lumabas. Aba! Ano sila? Mga bodyguards lang?

"Napag-utusan lang po kami ni Sir Clyde kaya ginagawa po namin ng maayos ang trabaho namin" sabi nung pinaka matangkad sa tatlo

"Clyde? Bakit raw?" Tanong ko ulit

"I just wan't to secure you." Isang boses ang seryosong nagsalita

"Clyde?"

"Let's go. Pumasok na tayo sa loob andito na ang mga pagkain" at saka niya ako hinawakan sa kamay papasok ng kwarto

"Teka clyde, liwanagin mo nga ako kung ano ang ginagawa ng tatlong yun sa labas?" Tanong ko habang umuupo sa may higaan

"Simply because they're your body guards" Ikling sagot niya

"Ano? Bodyguards? Teka bakit kailangan ko ng ganun?" Medyo lumakas na ang boses ko

"I want to secure you Riegn,pagkatapos ng nangyari kagabi ay hindi na mapapanatag ang loob ko"

Oo nga naman may punto naman sya doon kaso bakit kailangan pa ng mga bodyguards? Ang laswa kasing tingnan na may bodyguard ang isang balyenang katulad ko.

"Pero kaya ko naman ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng mga bodyguards para ingatan ang sarili ko. Kaya ko naman lumaban clyde e. Hindi mo naman na kailangan na pagbawalan ako lumabas" pangangatwiran ko rito

F O R C E DWhere stories live. Discover now