Bakit Inay?

10 1 0
                                    

Akoy limang buwan noong akoy ipalaglag,nagaway sila ni tatay dahil itoy nangyari,dahil sa galit ako ay nadamay,nagpahulog si nanay sa hagdan at dinugo.Kitang kita ang mukha kong malapit nang mabuo mayroon na akong Ilong,mata at bibig,masasakit mong salita ay aking dingi na dinig na sayo akoy malas na Sana di na dumating sabay inom mo ng tableta sana di na matikim,

para akong tinutunaw pero pinilit kong kumapit kasi sa aking paglabas gusto ko kayong yakapin,epekto ng gamot tinitiis ko lang maghapon,di ako bibitaw ina lalabanan ko ang lason pero bakit di mo na ako binigyan ng chansa na makita ang mundo at maging isang bata,imbes sakin maawa mas inunang magmurahan,sabay balot saakin naishoot sa basurahan.

Ohhh bakit mo iniwan?anong kasalanan para iniwan mo lamang ako sa basurahan,hinahanap hanap ka aking Ina,bakit mo pinabayaan ang anak mo,sa basurahan

Bakit di mo binigyan ng pagkakataong mabuhay,at makita ko man lang Sana ang mundong makulay,maranasan ko man lang arugain bilang sanggol,desisyon mo saakin di ko magawang ipagtanggol ang sarili,habang akoy nasa sinapupunan,ninais mong mawala upang ang hiya ay mawala,masabihan ka lang malinis,walang bahid na dungis,

sinakripisyo mo ako sa sariling nais,di mo man lang nagisip na ninais ko ring mabuhay binigay ako ng diyos akoy isang biyayang tunay,isang biyayang Hindi mo pinahalagahan,ang tangi kasing Inisip ay sariling kapakanan na maging mabuti ka lang babae sa Mata ng tao,mas piniling itapon ako at iyong tinago,ang mortal na kasalanan naway ikaw ay patawarin huwag mo sanang ulitin ang pagtapon mo gaya sakin sa basurahan.

Poem by-Kristel Yvone
(Give a star!comment!naghihinagpis ka ba teh?hahaha,joke lang yun ha huwag mong seryosohin)

Tula para sa mga broken/masaya/rondom.💔👌📷(Free Sharing Poems)Where stories live. Discover now