Patawad

9 1 0
                                    


Patawad,mahal ko, sana mapatawad mo ako sa pagiwan ko sayo noon,sana mapatawad mo ako sa pagtataboy ko sayo noon,sana mapatawad mo ako sa pagkakamali ko,sana mapatawad mo ako sa pagputol ng relasyon natin.

Magagawa mo ba kaya akong tanggapin?mahalin muli gaya ng pagmamahal mo noon?na yakapin ng buong pagmamahal mo?na sabihan ng mahal kita?,kaya mo pa ba?.

Ilang oras,ilang minuto,ilang araw,ilang gabi,ilang buwan at ilang Lunes ka naghintay na sagutin ko ang iyong tawag?na sagutin ko ang iyong text?.Na kahit ilang letra ay wala kang natanggap mula saakin,kasi sa mga oras na iyon naging bulag ako sa katotohanan.

Na ikaw ang mali at siya ang tama sa puso,pero yun pala ako ang mali,nagpakatanga sa inyong dalawa,at akala ko yung kulang sayo ay mahahanap ko sa kanya,pero mas madaming kulang pala sa kanya,mas higit pa pala.

Patawad,sana mapatawad mo ako,at ipinapangako kong aalagaan kita at mamahalin ng buong buo,hindi na ako maghahanap ng higit pa sayo,kasi ikaw na ang hihigit sa lahat.Ikaw na ang papantay sa aking ideal man,forever and ever.

Pero sagot mo lang sa aking paghingi ng patawad ang kailangan ko, sana matanggap mo ako ulit.Aking mahal...Mag mula noong akoy nagsisi na iniwan kita,naging balisa ako,naging tanga.

Paano ba magmahal kasi?sana kung tinuruan mo lang akong magmahal ng higit pa sa sapat ay hindi ako naging tanga.Sana magusap tayo at ayusin ang nasimulan upang sa huli ay tayo padin ang mananaig.

Sana kapag malinaw na ang isipan mo ay magawa mo akong mapatawad,pero kapag hindi pa,handa akong maghintay para mapatawad mo ako.

-This poem po is for me,sana mahal,patawarin mo ako,sana wala ka pading GF,sana matanggap mo padin ako.Thank you po if ever na mashare ito sa wattpad!.

(Bes lalim ng hugot natin ngayon ah!haha jk)

Tula para sa mga broken/masaya/rondom.💔👌📷(Free Sharing Poems)Where stories live. Discover now