Chapter 9 (part 2)

139 6 1
                                    

Chapter 9 part 2

"Wow you're so good!" narinig kong tili ng isang babae na sa tingin ko ay nasa kusina. Pababa ako ngayon ng hagdan at balak kong pumunta ng cr. Kakagising ko lang kaya naman medyo inaantok parin ako.

"It's no big deal I'm used to cooking anyway." boses naman ng isang lalaki ang narinig ko.  Nakilala ko agad ang boses nayun, boses ni Bryan. Bigla namang may pumasok na alaala sa utak ko. Omoh! Yung nangyare kagabi! Kyaah!

"Really? That's fantastic! I hope I can always eat what you'll cook." nawala bigla ang iniisip ko nang marinig ulit yung boses nung babae. Teka si Stef yun diba? Oo nga pala, dito sya natulog kagabi.

Pumasok na agad ako ng cr at pagkatapos ay pumunta narin ng kusina. Dun nakita ko si Stef na pinapanood ang pagluluto ni Bryan. Teka marunong palang magluto ang unggoy na iyon? Hiyang-hiya naman ako!

"Oh Annie good thing you're finally awake!" bulalas nito nang makita akong nakaupo sa may dinning area.

"H-hi?" hindi ko alam kung bakit bigla ata akong naiilang. Pero tingin ko hindi ako kay Stef naiilang. Naiilang ako sa katabi nya.

"Come here Annie, look how good Bryan cooks. The dish looks so delicious!"

Hindi ako nakasagot. Ayaw kong lumapit naiilang talaga ako. Dapat pala hindi na lang ako pumunta rito. Eh sa ansarap ng amoy ng niluluto ni Bryan! Nagugutom tuloy ako.

"What are'ya waiting for lazy bug? Come here!"

"Ha? O-okay!"

Lumapit naman ako sa kanila. Nakatalikod si Bryan na para bang nagko-concentrate sa ginagawa. Pumunta ako sa may kanan nya at tiningnan ang niluluto nya.

"Ano yan?" diko napigilan ang mapatanong pagkakita nung niluluto nya.

"Steak." tipid nyang sagot. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ang mabilis nyang pag iwas ng tingin sakin. Teka guni-guni ko lang ba ito o gaya ko ay na-o-awkward din sya?

'Hush Baby, I'm so sorry okay?'

Bigla ko na namang naalala yung sinabi nya kagabi at feeling ko tumatayo ang mga balahibo ko. 'It's no big deal Annie. Stop thinking about it already.' Pilit kong pinapasok ang mga katagang yun sa utak ko. Pinupukpok ko na ang ulo ko mawala lang yung alaalang yun.

"Annie you okay? Why are'ya hittin' your head?" naitigil ko ang ginagawa ko nang marinig ang sinabi ni Stef. Diko namalayang literal na pinupukpok ko na pala ang ulo ko, at sa harap pa mismo nila.

Napatingin agad ako sa dalawa, lalo na kay Bryan na nalilitong tinititigan ako. Ikaw na Annie! Ikaw na ang mukhang tanga!

"I'm okay, don't mind me. Ha. Ha." nag peace sign ako at agad ng umalis. Bumalik ako ng dining table at naupo sa isang upuan doon. Gusto ko sanang umalis na ng tuluyan sa kusina kaso baka magtaka naman sila.

Grabe nakakahiya ito! Kainis kasi bakit masyado akong apektado sa ginawa kagabi?! Wala lang naman yun eh! Kasalanan to ng unggoy na yun eh! Kung anu-ano pa ang ginawa pede namang mag sorry lang. Bakit kelangan pa nya akong yakapin at sabihin ang mga salitang yun? Ugh.

"Lunch is ready!" masayang sabi ni Stef habang tinutulungan nya sa paghahanda si Bryan. Kakagising ko lang pero lunch na agad, mukhang tinanghali na talaga ako ng gising.

Kumuha naman ako ng mga utensils na gagamitin namin. Nakakahiya naman kung magmumukha akong prinsesa na hindi man tumulong.

"Is there something wrong?" napakunot ako ng noo sa tanong ni Stef, nakatingin ito sakin na parang nag aalala.

"You're silent, seems that you're not okay."

Ngumiti naman ako sa sinabi nya. "I'm fine don't worry."

Nagsimula naman kaming kumain at katulad ng kanina, enjoy na enjoy sa pakikipag usap kay Bryan si Stef. Mukhang nawiwili rin si Bryan. Tahimik lang akong nakikinig sa pinag uusapan nila. Eh di sila lang ang mag usap!

Masarap nga pala ang luto ni Bryan in fairness! Diko akalaing ang unggoy na ito ay magaling magluto. Matalino na nga skillful pa. Gwapo pa. Scratch the last statement.

"Who's that?" tanong ni Stef nang biglang tumunog ang doorbell. Nagtaka narin ako dahil wala akong maisip na pedeng bumisita samin. Impossible naman na parents namin ni Bryan dahil ang alam ko ay matagal tagal pa bago nila kami bibisitahin.

"Ako na." sabi ko nang makitang tatayo na si Bryan para tingnan ang nag doorbell. Tumayo na ako at umalis. Somehow I felt relieved nang makaalis doon.

"Mommy!" bumulaga a

kaagad sakin ang isang masiglang ngiti at naniningkit na mga ni Ice Candy.

"Ice Candy? Bakit ka naparito?"

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" naka-pout nitong tanong. Naniningkit na naman ulit ang mga singkit nitong mga mata. Ang cute nya! Para syang imporeted na koreano. Hindi yung typical na Korean ha.

"Pasok ka." nakangiti kong sabi.

"Actually nag la-lunch kami ngayon, gusto mong maki-lunch?" tanong ko nung nasa sala na kami.

"Lunch with whom? With your so-called fiance?" natatawa nitong tanong na inirapan ko lang.

"He's not my fiance." mariin kong sabi.

"Haha, I know. Chill Mommy." sabay gulo ng buhok ko. Napasimangot naman ako sa ginawa nya na tinawanan lang nya. Srsly. Ano ba ang meron sa panggugulo ng buhok? Bat ang hilig ng mga lalaki sa ganun?

"Sandali ha. Ikukuha na lang muna kita ng makakain mo. Maupo kana muna dyan sa may sofa."

Tumango lang sya at umupo na rin sa may sofa. Bumalik na ako ng kusina para ipaghanda ng makakain si Ice Candy. Naabutan ko naman ang dalawa na nagtatawanan. Srsly. Hindi pa ba sila natatapos sa kung anuman ang pinaguusapan nila? But wait, why do I sound irritated about it? Like I care right?

"Annie who is it?" tanong ni Stef nang mapansin ang pagdating ko.

"It's Ice, the guy from last night." sagot ko at dumiretso na sa may fridge para kumuha ng juice.

"Oh! The cute guy? Is he the one who brought me here last night that you mentioned a while ago Bryan?"

Nagkibit balikat lang si Bryan sa tanong ni Stef. Hindi ko alam kung normal lang ito sa ekspresyon ni Bryan o sadyang nakasimangot talaga sya. Ano naman anh problema nya? Eh kanina lang ansaya-saya nyang kausap si Stef.

Paalis na ako ng kusina at bubuksan ko na sana ang pinto papuntang sala nang maramdaman kong may humawak ng braso ko. Nagulat na lang ako nang makita si Bryan na nasa likod ko na pala ngayon. Diko alam kung bakit pero grabeng tibok ng puso ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ba ako? At pakiramdam ko napapaso ang braso kong hawak nya.

"Ano?" bulong ko, ayaw kong marinig kami ni Stef. pinilit kong maging napaka iritado ang tono ng boses ko at hindi magtunog na kinakabahan ako.

"Anong ginagawa ng lalaking yan dito sa pamamahay ko?" halata sa boses nya ang inis. Pabulong din nya itong tinanong.

"Ewan ko. At ano naman iyon sa iyo eh pamamahay ko rin naman ito." galit ko ring ganti. Sila nga ni Stef diko pinakikialaman tapos ganito sya samin ni Ice? Wait nakalimutan ko, bisita ko nga rin pala si Stef.

"It is still my business because this is also my house and you are my business because you are..."

"I am what?" nakaramdam ako ng kakaibang feeling sa tyan ko ng dahil sa sinabi nya, lalo na't hindi nya iyon tinapos.

Akala ko ay di na nya ako sasagutin dahil naglakad na sya papunta sa may pinto. "Because you are stupid." bulong nito sa tenga ko nang nasa may tapat ko na sya. Nanindig ang balahibo ko nung maramdaman ko ang hininga nya sa balat ko. Diko namalayang natameme na pala ako sa kinatatayuan ko at diko din namalayan na nakaalis na pala sya. Damn! Gusto ko syang murahin sa sinabi nya pero diko magawa, feeling ko nanghina ang mga tuhod ko sa ginawa nya. I should be angry on what he said but actually, I am not.

Damn you Bryan Ace Conception!

Living With This Moron-slash-My FIANCE?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon