Chapter 9 (part 1)

140 7 1
                                    

"I'm obviously her fiance. ARAY--"

Diko na napigilan ang sarili ko at siniko ko sya sa kanyang tagiliran ng pagkalakas-lakas. Naalis nga nya ang pagka-akbay sakin at napakapit sa nasaktang tagiliran.

"What the hell?!" at kung anu-ano pang mura ang nasambit nya habang iniinda parin ang sakit.

"Stupid jerk! It's you're fault!" singhal ko sa kanya.

"Ops! You okay dude?" natatawang tanong ni Ice Candy na sya namang sinagot ni Bryan ng isang matalim na titig.

"Hey relax. By the way I better be going. Bye Dave." Nagulat na lang ako nang bigla nya akong nilapitan at ki-niss sa pisngi. He just kissed me on my cheeks?!

"See you around!" He wink at me while smiling then finally turns around and walk towards the door.

Ako naman naiwan doong nakatunganga lang sa nangyare. Lokong yun.

"Tss."

Napalingon naman ako sa gilid ko at nakita ko si Bryan na ngayon ay naglalakad na paalis sa pwesto namin.

"Oy!"

Tawag ko sa kanya pero di nya ako nilingon.

"Oy! Bryan!"

Di nya parin ako nilingon at diretso lang sya sa paglalakad. Nasa may hagdan na sya nung maabutan ko sya. Sa sobrang inis ko dahil hindi nya ako pinapansin ay binatukan ko sya. Pa hard to get ang unggoy na ito! Sya pa ang may ganang magalit eh sya itong sinungaling.

"Aw." Napahawak sya sa ulo nyang binatukan ko saka tumingin sakin ng pagkasama-sama. Uwaah! Katakot!

"What is your damn problem?!" iritado nyang tanong sa nakakatakot na tono. Diko yun in-expect kaya halos mapatalon ako sa gulat. Galit parin nya akong tinititigan kaya naman natakot na talaga ako. Diko pa sya nakitang ganito magalit kaya natatakot na ako. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko pero di ko yun pinahalata. Ayaw kong makita nyang natatakot na ako sa kanya.

"Y-you jerk!" yun lang ang nasabi ko at tinalikuran na sya. Aakyat na lang ako sa kwarto ko. Bahala sya sa buhay nya!

"Are you kidding me?" narinig kong singhal nya at maya-maya at naramdaman ko na lang na napaharap na ako sa kanya. Hinatak nya ako sa braso para iharap sa kanya.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Dahil sa nasurpresa ako sa panghahatak nya sakin ay napaharap ako sa kanya na may tumutulong luha sa mukha ko. Oh great! Nalaman nyang umiiyak na ako. This is damn so frustrating!

"Wait. Are you crying?" gulat nyang tanong sakin at halata sa boses nya ang pag-aalala.

"Hindi. Kaya pede ba bitiwan mo na ako!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nya sa mga balikat ko na sya namang binitiwan nya.

Tinalikuran ko na sya at nagsimula ng umakyat ulit ng hagdan. Pero hindi pa lang ako nakakalayo nang maradaman ko ang paghawak nya sa kamay ko.

"Bitiwan mo ako." mahina kong sabi. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko ilang sandali na lang ay mapapaiyak na talaga ako ng todo.

"Tell me. Why are you crying?"

"I said I'm not crying! Will you please let go of my hand already?!" singhal ko na hindi parin nakatingin sa kanya. Binitiwan na nga nya ang kamay ko pero akala ko tuluyan na nya akong papakawalan. Pero nagkamali ako sa hinala ko, naramdam ko ang muli nyang paghatak sa akin.  At nagulat na lang ako nang malamang yakap yakap na nya ako.

"I'm sorry." Seryoso nyang sabi sa mahinang tono. Ewan ko kung anong nangyayari sakin pero hindi ko na napigilang mapaiyak na ng todo.

"Hush baby, I'm so sorry okay?" bulong nya sakin.

"Stupid jerk." sagot ko habang tinatakpan ng dalawang kamay ang mukha ko. Yakap parin nya ako hanggang ngayon.

Tumawa lang sya ng mahina sa sinabi ko. "I know. I made you scared right?"

Tumango na lang ako. Teka bakit parang napapasunod ako sa kanya? Diba dapat galit ako? Bakit hinahayaan ko sya ngayon na yakapin ako? Bakit di ako lumalaban? Argh! I hate myself for acting like this! Bakit parang may mga butterflies sa tyan ko ngayon. Ano tong nararamdaman ko?

"I'm so sorry. I promise I'll try not to hurt you again. Nagsisisi na ako, I admit I was wrong. Damn I hate seeing you crying. Will you forgive me?"

"I hate you."

Isang mahinang tawa lang ang sinagot nya sakin. "It's my pleasure."

......

AN:

Hanggang dito na lang muna. Salamat pala sa lahat ng nag comment sa last chapter. Sa first reader po na nag comment ko i-dedicate ang chapter na ito. :)

Living With This Moron-slash-My FIANCE?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon