Chapter 10

137 6 0
                                    

Annie's POV:

"So you're saying you actually came here to find that guy? Wow!" Nanlalaki pa ang mata nito habang sinasabi yun saka ininom ang juice na nasa hapag.

"Hindi naman sa ganun, but it is one of the reasons why I am here." Explain ko. Kanina kami nag uusap habang nanonood ng movie kasama nina Bryan at Stef. Nasa kabilang sofa sila at kami naman ang magkatabi. Natanong nito sa akin kung bakit dito ko piniling mag college at kung bakit hindi sa Pinas.

"Ang swerte naman nya. Paano kung mahanap mo na sya? Anong gagawin mo?"

Napaisip naman ako sa sinabi nya. Oo nga ano, hindi ko rin alam ang gagawin pagnakita ko na sya. Hindi ko pa naiisip ang bagay na iyon. Ang tanging alam ko lang magiging masayang masaya ako pag nangyare iyon.

"Hindi ko rin alam. Ni hindi ko nga sigurado kung makikilala ko sya, bata pa ako nung huli ko syang makita. I'm sure malaki na ang ipinagbago nya."

Sinu-sulyapan ko rin ang movie na pinapanood namin na mukhang hindi ko naman naiintindihan dahil na kay Ice Candy ang atensyon ko.

Tumango-tango ito.

"Eh paano kung hindi mo sya makita? Pwede bang manligaw?"

Muntik ko ng maibuga ang juice na iniinom ko dahil sa sinabi nya. Napatingin ako dito at nakitang naka-ngisi sya. Mukhang nag i-enjoy itong makita ang naging reaksyon ko.

"Kidding!" Saka sya tumawa ng malakas. Binatukan ko nga! Baliw.

"Look at them Bryan, seems like they are really enjoying each others company. How sweet!" Narinig kong sabi ni Stef kaya napatingin ako rito. Nasalubong ko naman ang mga tingin ni Bryan. Walang reaksyon ang mukha nito pero iba ang titig nya, tumatagos talaga.

Napatingin tuloy ako sa ibang direksyon. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ano ba ito? Bakit ako nagkakaganito? Bakit parang apektadong-apektado ako sa mga titig nya? Nakakainis!

Natapos ang movie na wala akong naintindihan. Paano ko yun magagawa kung ramdam na ramdam ko ang mga titig sa akin ni Bryan. Hinuli ko na sya minasan pero ako rin ang umiwas dahil hindi nya inaalis ang titig nito. Para bang binabantayan nya bawat galaw ko, bawat paghinga ko.

"You okay? Kanina ka pa tahimik." Tanong ni Ice Candy nang tumayo na kami.

"Oo naman! Masyado lang akong nadala sa movie." I lied. Alangan namang sabihin kong naku-concious ako sa titig ni Bryan.

"Talaga? Kung ganun nood tayo sa sine minsan! Okay lang ba?" Malapad na ngiti nyang tanong. Nginitian ko rin sya saka tumango.

"Great! Tomorrow date tayo, 10 am susunduin kita. Okay ba?" Hinampas ko naman sya sa braso dahil sa sinabi nya. "It's not a date. Sasama,lang ako sayo."

"Fine, friendly date then." Naka-cross arms nitong sabi habang nakangisi. Natawa naman ako sa gesture at napailing na lang.

"Really dude?" Biglang napaangal si Ice Candy nang dumaan sa pagitan namin si Bryan na ngayon ay kunot noong nakatingin sa amin.

"You're blocking the way." Tipid nitong sagot at lumabas na ng kwarto. Nagkatinginan lang kami ni Ice Candy at sumimangot ito.

"Ano bang problema nun?"

I shrugged. Hindi ko rin naman maintindihan ang unggoy na iyon. Mukhang malaki ang galit sa mundo!

--

"You like that guy?" Napalingon ako nakaupong si Bryan habang nanonood ng tv. Kakauwi lang nung dalawa kaya heto at kami lang ang natira. Wala naman akong maisip na gagawin kaya tumambay muna ako sa may sala para makinood ng palabas.

"Sino? Si Ice Candy? Hindi ah." Sagot ko na hindi na  siya muling nilingon. Masyado kasing naka-focus ang attention ko sa pinapanood naming cartoon na Adventure Time.

"Talaga?"

Tumango lang ako bilang sagot. Nakakaaliw talaga si Jake! Ang cool siguro kung may pet akong tulad niya.

"Eh bakit ang lapit nyo sa isa't isa?"

"Ha? Anong sinabi mo?" Tanong ko dahil biglang sumigaw si Princess Bubblegum at obviously hindi ako nag pi-pay attention sa katabi ko.

"Wala. Manood ka na lang." Biglang nagbago ang tono ng pananalita niya kaya napatingin ako rito. Nagulat ako nang malamang nakatingin pala ito sa akin kaya naman nagkatitigan kami sandali.

Iniwas ko agad ang paningin ko pero laking gulat ko nang bigla niya akong hinatak sa braso at pinaharap sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko nang makaharap ito habang siya naman ay pinagmamasdan lamang ang mukha ko.

Tatayo na sana ako para umalis nang hinigit niya ulit ako pabalik at hinakawan ng isang kamay niya ang mukha ko.

"Bryan?!" Singhal ko pero parang wala lang sa kanya.

"Ano bang problema mo? Bitawan mo nga ako!"

Pero ang mokong ay binigyang lang ako ng ngisi. Nag iinit na talaga ang dugo ko sa kanya pero diko siya makuhang saktan dahil para akong naestatwa sa kinauupuan ko. Seryoso! Anong binabalak ng lalaking to? Bakit ambilis ng tibok ng puso ko?!

"Bakit dika makatingin sa akin ng maayos?" Nanunukso nitong sabi kaya naman tinitigan ko ito gamit ang matalim na mga titig. Pero nabigo ako sa lalim ng titig na isinukli niya sa akin.

"Bakit mo ba ako ginaganito? Ano ba ang gusto mo ha?" Inis kong singhal sa kanya. Nakakulong ang mga kamay ko gamit lamang ang isang kamay niya  pero pakiramdam ko parang wala lang iyon sa kanya.

"I should be the one asking you that question. Bakit mo ako ginaganito?" Madiin niyang tanong na nagpagulo sa isip ko.

"Anong pinagsasabi mo? Anong ginawa ko? Ikaw kaya ang bigla na lang nanghahatak tapos kinukulong mo pa ang mga kamay ko!"

"You're driving me crazy alam mo yun?" Singhal nito pabalik na nagpatahimik sa akin.

Naiinis ako pag nandyan ka pero naiinis din ako pag di kita nakikita. Naiinis ako pag kasama mo yung Ice Pop na yun! Naiinis ako pag laging mong mukambibig yang kuya Steven mong di naman nag papakita! Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako naaapektuhan ng ganito sa iyo!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living With This Moron-slash-My FIANCE?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon