Prolouge

3.7K 53 2
                                    

Masakit sa pakiramdam na hindi ako tinignan ng gusto ko,
Lalo na't kapatid sya ng kaibigan ko,
Di ko alam kung kakayanin ko to,
Kakayanin na hanggang sulyap lang ang kaya ko

Pag ngingiti sya ay kumakalabog agad ang dibdib ko,
Yung mga mapupungay na mga mata na gustong-gusto ko,
Ang Tinig ng boses niya na hindi ako magsasawang dinggin ito
Dinggin, na hanggang doon lang ako

Napapangiti na lamang ako pag nakikita ko syang masaya,
Masaya na hindi ako ang kausap niya,
Kausap niya'y maganda,
Na kahit sino'y mapapansin sya
Mapapansin sya na wala ako
Na napansin sya ng taong gusto ko

Pagpupunta ang kaibigan ko sa kapatid niya,
Ay matutuwa agad ako at dali-daling sasama sa kanya
Sasama para makita ang kapatid niya
Makita ang taong gusto ko at napapangiti nalang sa malayo

Hindi ko maabot ang kapatid niya,
Na kahit sulyapan lang ay hindi niya magawa,
Magawa na pansinin man lang ako,
Mapapansin ng taong gusto ng puso ko

Lahat ng hilig niya ay alam ko,
Kung kaya't sinisikreto ko lang ito,
Para hindi malaman ng kaibigan ko ang totoo,
Ang totoong gusto ko ang kapatid ng kaibigan ko

Ang Kapatid Ng Kaibigan Ko
By:ljkatashi

Ang Kapatid Ng Kaibigan KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon