AKNKK:17

739 20 0
                                    

Medosa's POV

"Sige naman dean oh...,isang buwan lang naman eh...kahit ako man o si med ang pwede niyong ipa-excuse para magbantay sa kapatid ko na nacomatose,kailangan niya po ng bantay dahil busy po ang parents namin",pagsusumamo ni jem Kay dean,andito kami sa dean office para magpaalam sana,kaso hindi pinayagan si med na ma-excuse for 1 month,nakita Kong binuksan ni dean ang record book namin at tinignan ito at napatango sya

"For now,si Medosa lamang ang mae-excuse for one week,she have a higher grade and I know she study it advance to the previous school's she attend",saad ni dean at tumingin Kay jem,napangiti naman si jem at niyakap si dean na nagulat

"Salamat po dean,may magbabantay na po sa kapatid ko*sob*",nagulat kaming dalawa ni dean na biglang napaiyak si jem kaya napatingin siya sa akin na hindi Alam ang nangyari dahil bigla nalang umiyak si jem,pero tinapik-tapik niya naman ito sa likod at humiwalay na ng yakap

"Aalis na po kami dean,thank you ulit",ani jem habang pinupunasan ang luha sa gilid ng mata niya,ngumiti naman si dean at tumango,nagpaalam din ako at lumabas na ng dean office,nagoagdesisyon kasi namin ni jem kanina na kung sino daw ang mapapayag na pwedeng mae-excuse ay nasa akin ba o Kay jem

"Med,ikaw ang pinayagan ni dean,ikaw muna ang nagbabantay sa kanya ah,tawagan mo agad ako pag may problema,pupunta agad ako doon kahit may klase pa",saad niya na nakangiti pero may bahid din ng pag-aalala,inakbayan ko naman sya katulad nong mga dating gawi na ginagawa ko

"Ako pa....magaling kaya akong magbantay,nong bata nga ako ay tinuring akong bodyguard ni mommy dahil sa ang galing ko daw magbantay",pagmamayabang ko sa kanya,napatawa naman si jem at pinulupot ang isang kamay niya sa bewang ko at nasa ganon kaming posisyon habang pabalik sa room namin para makaalis na ako at mabantayan na si kuya kray sa hospital

******

"Yes mom,si med ang pinayagan,ipapasundo ko po sya Kay manong para makapunta na sya sa hospital,yes mom,where here at the gate right now..okay po..bye,love you",binaba na ni jem ang cellphone niya,tumingin naman sya sa akin

"Ipapasundo ka na daw,sinabihan ko na din ang mommy mo med na ikaw ang pwede kaya pumayag na sya at sinabing dadalaw daw sya pag may free time sya",pahayag ni jem,tanging tango lamang ang isinagot ko sa kanya at ngumiti

"Sana gumising na si kuya...",nakayukong saad ni jem,tinapik ko naman sya sa balikat kaya napa-angat ang tingin niya

"Gigising yan,kikilitiin ko sya para magising",nakangiti Kong sabi sa kanya,napangiti naman sya at tumango,haysst..para kahit ganon ay napagaan ko ang pakiramdam ni jem

Napalingon kami ng may tumigil na kotse sa harap namin,tumingin si jem sa akin at ngumiti.

"Alagaan mo si kuya kray ah..wag mong pagnanasaan,kilala kita med",natatawang saad ni jem kaya nabatukan ko sya at dali-daling pumasok sa kotse,nakita ko pa syang hinimas ang batok niya pero napangiti naman at kumaway na...

"Tara na po manong",saad ko at pinaandar na ni manong ang kotse at lumarga na

Kapatid Ng Kaibigan Ko
By:ljkatashi

Ang Kapatid Ng Kaibigan KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon