Chapter 19
“Sometimes your nearness takes my breath away; and all the things I want to say can find no voice. Then, in silence, I can only hope my eyes will speak my heart.”
-Robert Sexton
One week na nakalipas, tapos na ang finals, mga requirements at start na ng Christmas vacation. One week na din akong halos hindi pinapansin ni Nate. Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating eh okay naman kami nung last na nagkasama kami.
Si Keith naman lagi akong binabati at nginingitian, ang awkward sa feeling pero hindi ko pa alam kung ano ba dapat gawin. Baka kasi pag kinausap ko siya about sa chance ng pagbabalikan namin, which is wala na, baka bigla niyang sabihin na nakikipagayos lang naman siya at magmuka pa kong feelingera.
Sabi nga ni Yana, “Let’s see where things will go first”. Kaya ganun naman ginagawa ko. Ang hindi ko lang maintindihan is yung pagsusuplado ni Nate.
Sa mga friends ko naman, ayun nainggit etong si Leo sa ginawa naming date ni Yana. Bakit daw hindi man lang namin siya sinama sa concert. Ganun din naman nafeel ni Nics, pero si Mia medyo tahimik na halos hindi ko na nga siya napapansin dahil sa ingay nung tatlo. Hindi ako mean na friend, sadyang may times lang talaga na feel maging emo ni Mia.
Nireready ko na yung mga gamit na iuuwe ko for Christmas vacation, luluwas na kasi ako pabalik ng Olongapo mamayang gabi.
“Sis! Mauuna na kong aalis sayo ah. Talk to you on skype nalang or whatever chuvaness na meron. I’ll see you on January 4. Itago mo lang yung Christmas gift ko!! Umwah!” Maagang luluwas si Leo pabalik sakanila kaya naman nagpaalam na agad siya sakin.
“Mag-ingat ka ha! I’ll miss you!” Reply ko naman, sabay hug sakanya.
“Landi mo talaga. Bye, I’ll miss you too bakla!”
Inayos ko lang yung bahay buong araw at nanuod ng anime habang hinihintay sina Yana. Sasabay kasi ako umuwi kina Yana, Nics, Josh at Chris. Syempre ambagan sa gas. Mas madali na kasi to kesa magbus pa kami eh ganun din naman, gagastos din.
Kung nagtataka kayo kung bakit wala si Nate, sabi nina Josh at Chris nauna na daw siya kasi may gagawin pa daw siya. If I know ayaw lang ako kasama non. Ano ba kasi ginawa ko, pag nakita ko talaga yun kakausapin ko na yon eh.
Tanghali na kami umalis dito kaya naman mga hapon na kami nkadating ng Olongapo. Halos three to four hours din kasi byahe. Pagkadating ko sa bahay hindi ko naman ineexpect yung nakita ko.
Nakaupo sa sofa ng salas namin itong lalaki na iniwasan ako buong week.
“Nate?” Tawag ko sakanya. “Anong ginagawa mo dito?”
“Liv, andito ka na pala. Magmiryenda ka na muna.” Biglang silip naman ni mama galing sa kitchen namin. Hindi ko naman inalis yung tingin ko kay Nate. Anong ginagawa niya dito? Pagtapos niya ko hindi pansinin bigla ko siyang makikita sa bahay namin. Tsaka sabi niya kila Josh may gagawin daw siya e bakit andito siya?
“Ano? Pupunta ka dito tapos hindi ka din mamamansin?” Sabi ko padin sakanya.
“Naglalaro kami ng kapatid mo, hindi mo ba nakikita?” Pilosopong sagot naman nito. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Pero binalik niya lang ulit yung tingin niya sa nilalaro nila ni Zach. Bahala nga siya. Kung gusto niyang walang pansinan edi fine!
Dumiretso na ako papuntang kusina para kumain. Oo, gutom na ko, ikaw ba naman maamoy mo yung mga freshly baked cookies e. Si mama pa naman ang sarap magbake and magluto.
“Hi ma.” Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi. “Kamusta biyahe?” Tanong nito.
“Ayos naman. Excited umuwi lahat.” Sagot ko habang kumakain ng cookies. “Ay ma, Bakit nga pala nandito si Nate?”
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Teen FictionLove will always find its way. Either for a new beginning or just finding its way back. Not everyone believes in second chances, because it takes a lot of courage and extraordinary love to fight for someone you once tried to let go. But will it be w...