Chapter 2 - Correction Tape

84 8 5
                                    

“Aguy! Watch where you’re going!”

Tumama ‘yung ulo niya sa ulo ko. Sakit! Ano ba naman! Ang aga-aga, kala mo naman may marathon.

Hindi ko parin makita ang mukha ng babaeng nakapangga sa’kin. Napapapikit ako sa sakit ng ulo ko dahil sa pagkabangga.

***

Araaay! Ang sakit! Ouch! *sniff* *sniff* Hala! Ang sakit talaga! Mama! Ang sakit!

“Ano ba! Alis ka nga ‘jan! Nakakabangga ka ng tao, eh.” Ang sakit. Mama, ang sakit. Napapaiyak na tuloy ako sa sakit.

***

Magagalit pa sana ako kasi ako ang nabangga pero umiiyak na ‘yung babae, eh. Kawawa naman. Naisip ko tuloy na kung umuwi nalang ako, hindi pa sana ako nabangga.

“Ay sorry. Di ko sinasadya. Sorry talaga. Sorry.”

Iyak siya ng iyak. “Mama! Mama! Ang sakit! Mama!”

Patay, naiiyak na rin tuloy ako sa kaba. Patay, anong gagawin ko. Kinakabahan na ako. Hindi naman masakit masyado ‘yung pagkabangga. Dala lang siguro ng gulat. Pero, babae ‘yan, eh. Malamang, madaling masaktan ‘yan siya.

Hala! Anong gagawin ko. baka ma-guidance ako ne’to. Malilintikan ako sa papa ko.

***

“Aray! Aray Mama! Mama!”

Natatawa ako kay bata. Batang ka-edad ko lang siguro. Dose anyos. Kinakabahan siya. Hindi naman talaga masakit, eh. Sinusubok ko lang kung maniniwala siya na masakit.

Teka, ngayon ko palang ‘to nakikita, ah. Taga rito ba talaga ‘to o baka transferee. Transferee, ngayon ko lang nakita ‘to eh. Halos lahat yata ng mga estudyante rito, kilala ko o pamilyar ko ang mukha kasi nanggagaling lang din naman sa iisang paaralan ang mga pumapasok dito.

Ang cute niya naman, kaya lang, maitim siya. Sayang. Chubby tsaka maitim. Parang sunog na taba ng barbecue. Haha!

***

(Sabi ko sa inyo, eh. Mukha akong sunog na taba ng barbecue.)

***

Natatawa din ako sa sorry niya. Parang si Manny Pacquiao lang. Haha! Ang tigas niya magtagalog. Siguro, bisaya ‘to.

Pero, patuloy pa din akong umaarte.

“Aray! Mama! Ang sakit!”

***

Oh my god! What will I do? Kinakabahan na talaga ako. Oh no! Swear! Please! Think of something. Think, think, think!

“Dadalhin na kita sa clinic, wait.” Kinakabahan na talaga ako.

***

Hindi ko na napigilan. Nagpapanic na siya. Nakakatawa na talaga. Kaya tinapos ko na ‘yung arte ko.

“Huy joke lang! Alis na ako. Bye!”

***

Nagulat ako. Ha? Aalis nalang siya ng ganun-ganun lang? Eh, diba masakit ‘yung... Nahulog niya ‘yung correction tape niya. Hindi niya namalayan kaya...

“Oy teka! ‘Yung ano mo!” Ano nga ba ang tawag ne’to dito? Basta! “Teka lang!”

Hinabol ko siya hanggang sa nakarating siya sa isang room.Tiningnan niya ‘yung pangalan niya sa lista at pumasok siya agad.

Pumunta ako sa may pintuan ng room na pinasukan niya. Hindi ko manlang alam ang kanyang pangalan. Tiningnan ko sa listahan din. Nauna naman ‘yung mga lalaki so nagulat ako.

Another Xanderello StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon