Chapter 3 - Kuya este, Sir

58 6 3
                                    

“Class? What’s going on?” Parang ‘di maganda ang tono ng teacher namin. Binata, nakaporma, teacher, masculado, tsaka teka, kilala ko ang boses ah.

“Xander?”

Nagulat nalang ako ng nabanggit niya ang pangalan ko.

“Kuya Vee?” Paano naging teacher si Kuya Vee? Hindi naman ‘yan siya nagtapos ng education, eh. Mass communication lang. Ano kaya ang naisipan niya at nagteacher siya? Di ko alam ‘to, ah.

Kinagat niya labi niya, senyas na tumigil muna ako. Kaya umupo na din ako sa tabi ni Gayle, ‘yung nagpakilala sa’kin kanina.

Kinuhit ako ni Gayle. “Is he your bro?” Ewan ko ba kung okay lang kay Kuya kung sabihin kong oo.

“Uhm...”

“Anyways guys, settle down now. Please go back to your seats.” Sabi ni kuya... uh, teacher pala.

Tumigil na nga lahat. Nagsibalikan sa upuan. Nag-settle down na.

“I would like to welcome you to Manuel Quezon Memorial High School!”

Magaling talaga si kuya Vee mag-English, kaya siguro, nakuha bilang teacher.

“I believe you are all freshmen?”  Tanong ni Kuya, este Sir.

“Yes, we are!” Sabay-sabay sumagot ang lahat na parang mga Grade one students na tinuturuan mag-good morning.

“No! You’re not supposed to answer like that. Put some energy on it.”

Nakaka-impress talaga si Kuya kahit kailan. Kaya lang, ikinahihiya niya laging kapatid niya ako. Nakakalungkot lang.

“Like this. ‘Yes! We are!’” My emphasis talaga ang ‘Yes’.

Tiningnan ko na ang mga kaklase ko. Halos lahat ng babae, nasa-starstruck sa kuya ko. Maliban sa kanyang taglay na kagalingan sa English ay Prince Charming ng bayan ‘yan si Kuya Vee.

“Hello?” Tanong ni Sir.

“Hi!” Lahat ng mga babae kong classmate, napapa-‘Hi’ ng may pagkamalanding tono.

“So, are we ready to have fun?” Sigaw ni Sir.

“Yeaaah!” Sabay-sabay sumigaw lahat. Hindi na ako sumali. Nakakahiya kay Kuya.

***

Oh, shyaaat! Ang gwapo naman ni Teacher. Aaaay! Halos, naglalaglagan na ng panty sa buong room namin. Ang iba, kinukulikot ang kanilang mga buhok habang nakatitig kay Sir, ‘yung iba, nagbubulung-bulungan na kung pano makukuha ang number ni Sir, ang iba naman, gustong itanong kung may Friendster baga si Sir. Pero, aaah! Ang gwapo talaga niya! Nakakainlab!

“My name is Virgilio Liones Cojuanco, but you can call me Sir Bilyones.”

Ang korni naman ng Bilyones. Pwedeng Vee nalang?

“Oo, pwede din Vee. Sir Vee.”

Nagulat ako. Hala, mind reader si teacher, eh. Nakakatawa naman.

“I’m new here just like you guys. But I expect us to get to know better. How does that sound?”

Aay! Sir! Pa-casual talk pa, eh. Nakakahiya tuloy. Pero, sabi nga dun sa interview ko bago ako makapasok sa pinakamataas na section ng school namin, English Speaking zone naman talaga.

“Awesooome!” Nagsisigaw na ang mga babae. Pa-impress much.

“Anyways, I introduced myself. It’s just fair if you guys start introducing yourselves.”

Another Xanderello StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon