Chapter 1 - Security Guard

205 7 1
                                    

Manuel Quezon Memorial High School. Freshman. Hindi pa nahahalal si Pnoy para sa K to 12. Ang panahon kung saan nauuso pa lamang ang Facebook. Alam ko ‘yan kasi mula pa nang Grade 5, nasimulan ko nang tumapak sa mundo ng internet. Sa mga online RPG games nga lang ako mahilig tsaka ang Friendster. Sino pa nakakatanda ng Friendster? Malamang kapag ‘di mo ‘yun alam, baguhan ka pa lang sa internet.

Ako si Alexander James Salvador Cojuanco III. Bunso sa limang magkakapatid. Ang mga perpekto kong mga kapatid na nagbibigay pressure sa akin araw-araw. Anak ng Pastor sa isang born-again Christian na simbahan sa Quezon City. Pero, bago pa man kami namalagi dito ay ipinanganak ako sa Lapu-Lapu City, Cebu. Doon na ako nag-aral ng buong Elementary hanggang sa lumipat na kami ng bahay kasi nadestino ang papa ko sa Quezon City para mamahala ng simbahan.

Lumaki ako sa mundo ng musika at pamilyang may takot sa Diyos. Not to mention, since I was a kid, English speaking kami parati pero I try to lessen it down kasi parang ang sosyal-sosyal tingnan, ‘di bagay sa’kin.

Sige. Gusto kong hulaan niyo kung ano ang totoong itsura ko.

Gwapo ba? Matipuno? Matangkad? May charming na smile at babyface na mukha?

Siguro matatanggap ko pa ang babyface pero ang apat na nasabi ko? Malayo ‘yun sa katotohanan.

Alexander – Alex o Xander ang minsan tinatawag sa akin. Xander kapag sa pamilya – kapatid, magulang, mga pinsan, si Riki lang naman ang tumatawag sa akin ng Kuya Alex. Ang matalik kong kaibigan at pinsan, si Enrique. Alex naman kung sa mga kaibigan, kakilala at kung sino pa man na nakakaalam sa pangalan ko.

Freshman sa highschool. Nakaharap sa salamin. Mataba ang pisngi, lobo ang katawan tsaka ‘di gaanong maputi. Nakatira kasi kami sa tabi ng dagat doon sa Cebu kaya mahilig akong magpabilad sa araw o kaya maligo ng magdamag hanggang sa masunog ang aking taglay na kaputian.

Pag tinitingnan ko ang aking mga kuya, mapuputi, matatangkad, mga heartthrob sa eskwelahan o di kaya sa trabaho.

Katulad nalang ng kuya kong si Vee. Virgilio Liones Cojuanco. Madalas tawaging Bilyones. Nakapagtapos ng Mass Communication sa Maynila. Di ko alam kung saang kolehiyo pero hindi ko naman din masyado inaalam ang mga eskwelahang pinagtatapusan nila o pinapasukan. Wala rin akong planong magkolehiyo kaya ewan. Walang kamuwang-muwang na ako.

Balik tayo kay kuya Vee. Isa na siya ngayong DJ sa isang sikat na FM Station. DJ Vee Liones ang pagkakakilanlan niya. Minsan, makikita mo siya sa TV Patrol, nagbi-breaking news. Ewan! Nakakainggit si kuya Vee. Habulin ng babae, charming, tsaka magaling kumanta at sumayaw. Kaya ang laki-laki ng asset niya sa kanyang buhay. Ang mga talento at mapanlinlang na pagmumukha. Playboy kasi ‘yan eh. Kahit minsan pinagsasabihan ng papa ko na huwag masyadong makipag-interact daw sa mga hindi Christian, patuloy paring nagpapakagwapo. Pastor ang papa ko, diba? Diba? Medyo strikto.

“Hoy Ngitngit! Kinsa man nang imong kaestorya dira?” sambit ng kuya kong si Minard.

Ferminardo Joaquin Cojuanco. Tinatanong kung may kausap ba daw ako. Madalas kasi kaming magbisaya kahit nasa Maynila na kami. Kung ‘di niyo alam ang ibig sabihin ng Ngitngit, dilim po ang madalas na itawag sa akin kasi nga, maitim ako tsaka mataba. Parang nasa hulihan ng barbecueng nasunog. Sunog na taba.

“Ha?” nagulat ako kay Kuya. ‘Di ko siya gaanong napansin.

“Bungol?” Nang-aasar, eh. Kahit kailan. Binge ba daw?

“I’m just thinking things out, you know.” Wala akong masabi. Nagkukuwento ako sa inyo, diba? Diba? Maitim na batang nag-eenglish. Di bagay.

“English-english, way angay.” Tawa siya. Di daw bagay talaga. Sabi ko nga.

Another Xanderello StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon