Chapter 7 - Coffee Lounge

56 4 7
                                    

Zara's POV

Nandito na naman kami sa Starbucks. Joke! Nangarap! Coffee Lounge lang po. Bumibili ng mga smoothie na may sago ang ilalim. 'Yung kay Steph, palaging strawberry naman 'yan. Di na nagbago. Kay Garette naman, bubblegum. Akin? Wala! Ayoko! Kasi kagabi, sumakit 'yung ngipin ko. Pangingilo ang aabutin ko 'jan.

"Ikaw talaga Zee! Ang korni mo lagi. You don't always get to join us." Panungit ni Steph.

"Hayaan mo na 'yan. She might not afford this, noh!" Ha? Shyetazikels! Nak nang tupang ...! Nakakainsulto 'yon, ah!

Tumingin sa akin si Garette at ngumiting papeke. Ang sarap sabunutan ang babaeng ito kung pwede lang. Naiinis ako dito kahit kailan. Kung di ka lang kaibigan ni Steph, talaga! Buwiset na B.I. ka!

Tatayo na sana ako sa pagkakaupo naming tatlo sa may couch na inuupuan namin sa Coffee Lounge para pugutan ng ulo itong si Garette nang may nakakuha ng tingin kay Steph.

"Girls!" Tawag niya sa amin. "Is that Sir Vee on the other table?"

Napalingon kaming sabay ni Garette. Hindi ko man sinasadya pero naiinis ako pag-naiinvolve ako sa malditang bungi-bungi ang English na 'yon.

Unang tingin ko palang ay nakita ko na ang nakatalikod na heartthrob na teacher ng school namin. Siya nga! Si Sir Vee. Ang nakatayo niyang buhok at ang nakatalikod na cartilage ng kanyang salamin ay ang nakapagpatunay na siya nga. Ilang mesa din ang layo sa amin ni Sir Vee. Nakikita ko - ay kami palang tatlo na naglalaptop siya. Baka mga reports niya sa school na kailangan niyang atupagin o ewan. Di pa ako nakakahawak ng laptop kasi bihira pa noon ang may laptop sa taong 2009 sa amin. Desktop lang halos ang nakikita ko.

Gusto ko sana siyang tawagin kaya lang inunahan na ako nila Steph at Garette, eh. Gusto ko sana na sa akin siya lumingon pero, kakainis.

"Sir Vee!" sumigaw ng sabay sina Garette at Steph. Wala rin namang masyadong tao kaya parang okay lang. Halos kami lang tatlo ang nandito, tsaka si Sir Vee.

Napalingon siya habang nagtatype siya sa kanyang laptop. At pinasalubungan kami ng nakaka-inlababong smile. Uugh! Shyez!

Tumingin ako kina Garette at Steph. Wagayway sila ng wagayway. Walang katapusan hanggang sa tumayo si Sir Vee, iniwan ang kanyang gamit at lumapit sa amin. Grabe! Nanlalamig ako tsaka bumibilis ang pintig ng puso ko. Ganun din naman siguro ang mga kasama ko. Halos, parang nakaupong gulay na hindi nasali sa Wansapanataym kaya batong-bato kami. Di makagalaw, di makapagsalita. Hinay-hinay na namamangha sa kagwapuhan ni Sir Vee.

"Hi! Stephanie, right?" Ang boses ni Sir. Ang accent. Waaaah! Halos mahuhulog na ang panty ko. Yuck! Dose anyos, ang landi ni Neneng. Haha!

Ang bango-bango ni Sir. Shyuck! Uugh! Kainis! Ba't ka pa kasi Sir naging gwapo.

"Yes!" pakeme na naman si Steph. Kinuha ni Sir ang kanyang kamay tsaka hinalikan ang kanyang kamao. Parang gusto atang magpaligaw kay Sir. Baka nakakalimutan, child and women's rights, Steph. Bad yan!

Nasa-starstruck talaga kaming tatlo hanggang sa biglang sinira ni Sir ang katahimikan.

"What are you pretty ladies doing here?" tanong niya. Hawak parin niya ang kamay ni Steph. Halos, ang tinititigan lang ni Sir ay si Steph. Hindi kami napapabilang sa perception ni Sir. Awts! T.T

Nahimasmasan na kaming tatlo tsaka tinapos ni Steph ang pagkakahawak ni Sir sa kanyang kamay.

"Ay, nothing Sir. We love hanging out in here. You too po?" nauutal-utal na sabi ni Steph.

Tinulak ni Sir Vee ang itim na glasses na halatang may grado pataas ng nose bridge niya. "Yes! As a matter of fact, I own the place."

Doon na kami namangha ng todo-todo. Halos isang taon na kaming mahilig tumambay dito at ngayon lang namin nakaharap ang may-ari? Mapapadalas yata ako dito. Kahit madalas na madalas na naman talaga kami rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another Xanderello StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon