"Sia, that's enough!"
"Oh, come on!wag nga kayong kj." sabi ko sa kanila sabay irap. Minsan na nga lang akong uminom eh.
"Lasing ka na, itigil mo na 'yan." sabi ulit ni lianna. Pero di ko siya pinansin.
"Sa tingin mo ba matutuwa si Kuya Liam sa mga pinaggagawa mo?!" sigaw ni lianna sa' kin. I heard his name again. Marahas kong pinalis ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.
"I just want to forget your brother, Liann!alam mo kung gaano ko siya ka mahal, hindi ko siya basta makakalimutan." sabi ko habang patuloy parin sa pagluha ang aking mga mata. Wala na akong pake sa mga taong nakatingin na sa amin.
"At ano?maglalasing ka nalang ba palagi?sa tingin mo ba makakalimutan mo siya ng dahil sa alak?nababaliw ka na Sia?!" umiiyak na sigaw niya sa'kin.
"Hindi lang ikaw ang nawalan, sia. Marami tayong nawalan."
It's been a month since Liam died. Kasabay ng pagkamatay niya, ay ang pagkamatay ng kalahating Sia. He was my other half. Bakit niya ako iniwan basta-basta?
"Halika na, uuwi na tayo. 2:30 na ng madaling araw. " sabi ni Lianna sabay hila sakin. Hindi na ako pumalag. Ubos na ang lakas ko. O mas tamang sabihin na isang buwan na simula ng mawala ang lakas ko.
Pagdating sa bahay, agad akong pumasok sa kwarto at humiga. Napaiyak na naman ako. Katabi ko sana siya sa higaan na'to kung di lang siya nang-iwan.
"Mahal na mahal kita, Liam." sabi ko na para bang naririnig niya ako.
Ipipikit ko na sana ang mata ko ng tumunog ang cellphone ko. May tumatawag. Inabot ko ito ng 'di man lang tinitingnan kung sino, sobrang inaantok na talaga ako eh.
"Hello?"
"Sia....."
Lahat ng antok sa katawan ko ay nawala ng marinig ko ang boses na' yon. Lahat ata ng balahibo sa katawan ko ay tumayo.
That voice......no. It can't be.
"W-Who are you?"
Sampung segundo na namayani ang katahimikan.
"I'm glad that you're slowly moving on, Sia." sabi nito. Ang boses niya ay parang nagmula sa ilalim. Hindi ko alam kung saan, basta sa mula sa ilalim.
"L-Liam..?"
"I will always love you, Sia. Always, my love." and the line went off. S-Sigurado ako na si liam 'yon.
Before liam died, the last words he uttered was "Bury my phone with me. "
Anong nangyari?paano niya ako na tawagan?kitang-kita ng mata ko na siya ang inilibing nung araw na 'yon.
My tears fell down. I cried my heart out. Wala na akong pake kung magising lahat ng tao na kasama ko ngayon sa bahay.
Then I smiled bitterly.
I just received the most unexpected phone call of my life.
