First And Last (2/2)

83 1 0
                                    

NIKKOLAI'S POV

Finally, the day I'm looking forward to has come. Bihis na bihis ako habang nakaharap sa salamin. Sa sobrang excite ko, halos di ako makatulog. Sinong hindi ma-eexcite kung ipapakilala ka na ng babaeng mahal na mahal mo sa pamilya niya? Nakakakaba, oo, pero mas lamang parin talaga ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ako makapaniwala. Na nagawa akong baguhin ni Reishi sa maikling panahon. She helped me change for the better. She was also the one who introduced me to God. She's like an angel sent from above.



Hindi na nag message o tawag si Reishi. Okay lang naman sakin, baka talagang may importante lang siyang ginagawa. At isa pa, sobrang kontento na ako lalo na nung huling gabi ko siyang nakita. The night she said 'I love you' to me.

I texted her na papunta na ako. Wala pa rin akong natanggap na message sa kanya. Baka busy sa pagpre-prepare. Ayos lang din naman kasi alam ko kung saan ang bahay nila. Naihatid ko na siya doon dati.

Pagdating ko sa labas ng bahay nila, medyo kinabahan ako. Andami kasing sasakyan. Andito ba lahat ng kamag-anak niya?


Naka open ang gate nila kaya pumasok nalang ako agad. May mga tao sa labas, may mga kausap kaya hindi napansin ang pagpasok ko.


Papasok na sana ako sa pinto nila nang biglang may sumulpot na ginang sa harap ko. Kamukha niya si Reishi kaya alam ko na agad na ito ang mama niya. Agad akong nagbigay-galang. Pogi points.


"Ikaw ba si Nikkolai?"

Agad akong napatango. "O-Opo. Ako nga po." sagot ko. She smiled at me. Pero mas nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. She was shaking. Umiiyak ba siya?


"T-Thank you for making my daughter happy, Nikkolai." sabi niya bago bumitaw sa yakap. Umiiyak nga siya.

Bago pa man ako makapagtanong, ngumiti na siya sa akin at nagsalita.


"Tara na. She's been waiting for you."


Hindi ko alam bakit sa bawat lakad na ginagawa ko, pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.




And then there she is, wearing the dress I gave her. Inside the coffin.




My tears poured as I make my way to her. I closed my eyes and uttered my first and last,










"I love you."

One-shot stories💜Where stories live. Discover now