Just A Dream

222 0 0
                                    





"Ang ganda ng panahon ngayon." sabi ko. Sumilay naman ang isang ngiti sa iyong  labi.


"Mas maganda ka parin sa panahon."


I can't help but to hide the pain with a smile.

"I-I...... I love you loki. I really do." sabi ko. Hinayaan ko na lamang na pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Bakit umiiyak na naman ang napaka-gandang binibini sa aking harapan? Tahan na. Mahal din kita. Mahal na mahal." nakangiti mong sabi.

Mahigpit naman kitang niyakap. Sobrang higpit para ipaalam sayo na ayokong mawala ka. Na gusto ko manatili ka lamang habang buhay sa aking tabi.

"S-Stay here with me......please. Don't leave me." I said with tears falling out of my eyes.


"Mahal na mahal kita, Astrid."


N-No... No! Ayoko pang ipikit ang mga mata ko! Pero bakit ang bigat bigat na?hindi ito pwede.... Kapag pumikit ako alam kong.....alam kong tuluyan ka nang mawawala.


Natigil ang aking pag iyak nang dumampi ang iyong labi sa aking labi.

Sa ilalim ng papalubog na araw, isang halik ang ating pinagsaluhan. Bagay na hinihiling kong maramdaman hanggang akoy humihinga pa.



"Maaari mo nang ipikit ang iyong mga mata, Astrid."

"N-No.....ayoko pa!please, just stay. Stay here with me.....please..." I said between my cries and sobs. Sobrang bigat na ng aking ma talukap.


"Sa huling pagkakataon, gustong kong sabihin na.... Mahal na mahal kita, Astrid. Hanggang sa muli."

At tulad ng isang mahika, ang iyong mga salita ang huli kong narinig bago ko ipinikit ang aking mga mata.











At alam kong sa muling pagdilat ng aking mga mata, kahit saan man ako magpunta, ay hindi na kita muling makikita

One-shot stories💜Where stories live. Discover now