Tagu-taguan

707 10 8
                                    

Nagulat ako nang may biglang nagtakip ng mata ko.


"Hulaan mo kung sino." Sabi nito. Napatawa naman ako.

"Chan-chan." Napabuntong- hininga naman siya.

"Kilalang-kilala mo na talaga ako noh?" Sabi niya saka ako hinatak paupo sa tabi niya. Nasa park kasi kami ngayon, sa mismong tambayan namin.

"Hmm. Pati amoy mo kilalang-kilala ko na." Wika ko.

"Alam mo ba?" Bigla niyang tanong matapos ang ilang minutong katahimikan. Napakunot naman ang noo ko.

"Anong alam ko?" Ganti kong tanong. Ngumiti naman siya. Ngiti na kailanma'y 'di ko makakalimutan.


"Na mahal na mahal kita?"

Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya. Magta-tatlong taon na kami pero parang tulad lang ng dati. Walang nagbago kahit konti. Yung mga paro-parong lumilipad sa tiyan ko kapag nakikita ko siyang ngumiti, yung parang nagslo-slow motion ang paligid kapag papalapit na siya. Kaya nga mahal na mahal ko siya eh.

"Mahal din kita." Sabi ko saka sumandal sa kanya. Hinawakan niya naman ang kamay ko.

Nanatili kami sa gano'ng posisyon ng sampung minuto bago siya ulit nagsalita.

"A-Alexa?" Tawag niya sa'kin kaya napaangat ang ulo ka sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko pero agad akong natigilan nang idinampi niya ang kanyang labi sa aking labi. Mga sampung segundo bago siya humiwalay.

"I love you so much, Alexa."

"I love you more, Christian" Sabi ko sa kanya ng nakangiti. He kissed me again on my forehead.

"Alexa?do you still remember the game we used to play?" He suddenly asked.

"What game?"

"Hide and seek." Nakangiti niyang sabi.

"Ah, tagu-taguan?bakit?"

"Let's play again." Sani niya sabay dampi ulit ng kan'yang labi sa labi ko. Naadik na ata haha.

"Hmm okay sige." Sabi ko nalang.

"I will always be on your side. Ikaw ang taya ha? " Sabi niya sabay halik ulit sa akin. Napangiti naman.

"Oo na.  I love you chan-chan!" Sabi ko sa kanya.

"I love you too, Alexa. Sige na, talikod na. " Sabi niya. Tumalikod naman ako.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng sampu dapat nakatago ka na haha"

"Isa.. "

"Dalawa.."

"Tatlo..."

"Apat...."

"Lima....."

"Anim.... "

"Pito...."

"Walo... "

"Siyam... "

"Sampu."

Agad akong nagpalinga-linga para hanapin kung saan siya nagtatago.

"Chan-chan, kahit saan ka man magtago hahanapin kita!" Sigaw ko. Hahakbang palang sana ako patungo sa likod ng puno nang tumunog ang cellphone ko. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko na mama ni chan-chan ang tumatawag.

"Hello po tita? ba't po kayo napatawag?" Tanong ko.

[A-Alexa... ]




Teka, ba't umiiyak si tita?

"Tita, are you okay? ba't ka po umiiyak?"




[W-Wala na.....wala na si Chirstian, alexa. Wala na ang anak ko]

A-Ano? imposible. Paanong wala eh kasama ko pa nga kanina!

"Tita, ano pong ibig mong sabihin? I'm with chan-chan right now. Actually, we're playing hide and seek and I was about to find him when you called." Paliwanag ko. Pero mas lalo lang siyang napahagulgol.

[N-Naaksidente siya, alexa. He's already dying nang makaratong siya dito sa hospital but he still managed to utter his last words for you...]

My heart literally skipped a beat. No....this is not true...



[H-He said that he loves you so much. Always take care and be happy without him. Ikaw daw ang pinaka-magandang babae na nakilala niya. He said that no one can replace you in his heart. Alexa, my son really loves you and I know you love him too. Thank you for making my son happy, alexa.]

And with that, the call ended.


Kaya pala paulit-ulit niyang sinabi sa'kin na mahal niya ako.

Kaya pala ilang beses niya akong hinalikan.

Kaya pala nakipaglaro siya ng taguan.

Kasabay ng pagpatak ng aking luha ay ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking mukha.

"Chan-chan.... ayoko na maging taya."

One-shot stories💜Where stories live. Discover now