Mahal niya ako kaso mas mahal niya siya?
Isang napakagulong mensahe. Ibig sabihin niya ba ay Mas umiigting ang pagmamahal niya sa kanya? O mahal niya ako kaso bawal? Ang gulo naman. Ang sigurado ko lang ay mahal niya ako. Kailangan ko siya makita at ipaliwanag niya sa akin kung ano ang nangyari. Bakit niya ako iniwanan ng sulat na nagsasabing mahal niya ako.
"Kuya? Hello kuya? Yung pagkain lumalamig" paalala sa akin ni Kylie
"Natulala ako. Sorry" sagot ko
"Ano ang dahilan at bakit natulala ka?" nagtatakang tanong ni Mama
"Wala po" tipid kong sagot
"Spill the Beans kuya!" pamimilit ni Kylie.
"Wala nga" sabi ko.
Kumain ako hanggang maubos. Nagpaalam na rin ako kay Mama na may pupuntahan ako. Pinayagan naman ako. Balak kong puntahan si Lendria para kausapin tungkol sa sulat na ibinigay niya sa akin. Tinawagan ko siya.
Crrreiiingggg! Creiiiingggg!
"Hello?" boses ni Lendria.
"Lendria." panimula ko
"Kyle! Oh napatawag ka" pagkagulat ni Lendria
"Mag-usap tayo tungkol sa iniwan mong sulat nung hinatid mo ako sa bahay. Kailangan ko lang ng kalinawan" utos ko
"Sige. Saan mo gusto?" tanong niya.
"Star Cafe, ala-una ng hapon." sabi ko
"Sige". tipid niyang sagot.
Mamaya ay magkakausap kami at maaahon ako ng konti sa dagat na ito. Magkakaroon ng kalinawan ang pagmamahal niya para sa akin. Alam ko naman na kailangan ko na siyang kalimutin ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na umasa. Umasa na babalik na kami sa dati, umasa pa na matatanggap ng tadhanna na naitakda kami para sa isa't isa. Gusto ko ibalik ang dati. Dating panahon na masaya pa ako. Naka-ahon pa ako sa tubig ng pagkabigo at wala pa ng bahid ng iyak ang aking mukha. Hindi pa pagkabigo ang nasa isipan ko. Pero hindi na maibabalika ng dati. Ngayon, Kailangan ko lang ng kalinawan. Kailangan ko lang mag-ayos para sa pagkikita namin.
Naligo at nag-ayos na ako. Sakto at 11:00 AM na. Kakain nalang ako sa labas. Ngunut tinawag ako ni Mama.
"Kyle, kakain na!" tawag sa akin
"Ma, sa labas ako kakain." sabi ko
"Pwede ba dito nalang? Darating si Lola Carmina mo" pakiusap ni mama
"Sige po ma" sagot ko
Inayos ko na ang hapag-kainan. Nagsimula na kaming kumain. Hanggang sa dumating si Lola.
Siya si Lola Carmina. Carmina Delafuente. Isa sa mga pinakatanyag na manunulat noon. Nakalimbag siya. ng higit sampung aklat na pinagkaguluhan ng madla. El Fuentes ang pamagat ng aklat na pinakapinagkaguluhan. Kuwento iyon ng isang dilag na nawala sa landas ng pag-aaral at nakahanap ng kanyang prinsipe. Ngunit iniwan siya nito. Dahil sa sakit, ang dinadala niya ay nalungkot at sa oras na paglabas ng anak nila ay nagkaroon siya ng napakamanghang katauhan. Nalalaman niya kung sino ang mabuti at masama sa pamamagitan ng paningin. Ang pangalan ng babaeng may pambihirang kapangyarihan ay Rosa.
Nagsalita si Lola.
"Wala ba akong makukuhang mano?" pagtatanong ni Lola
"Patawad po Lola" at nagmano ako.
Pagdating kay Lola, maraming mga bagay ang dapat mong gawin.
Una, kailangan mong magmano
Ikalawa, kailangan manangalog kapag kinakausap si lola
Ikatlo, dapat mahilig sa pagbabasa.
Iba talaga Lola ko.
Dahil kay Lola, natutunan ko ang pakikipagsalaysayan gamit ang wikang tagalog.
Nagpaalam ako na aalis ako.
"La, ako po ay aalis para may kikitain po ako" paalam ko
"Ika'y humayo ka na apo" sabi sa akin ni Lola
Agad akong unalis at sumakay sa aking sasakyan. Nagmaneho ako papuntang Star Cafe.
"Naku! Malapit na mag alas dos" pagalala ko
Nakarating ako sa Star Cafe, 30 minuto bago mag alas dos
Nakita ko siya at nakaramdam ako nang napakalakas na pakiramdam.
DUGDUG! DUGDUG! DUGDUG!
Unti- unting kinabahan ako. Sa bawat
pagtapak papasok sa Star Cafe ay 10 beses mas bumibilis ang pagtibok ng aking puso dahil sa kaba. Hindi ko napansin na nasa harapan ko na siya."Kyle, its late" sabi niya
"Sorry, may ginawa kasi ako"paliwanag ko
"Okay lang kakarating ko pa lang" sabi niya
" Bat mo ako pinapunta dito?" tanong niya
"Gusto ko lang ng kalinawan" simple kong sabi
"Anong klaseng kallinawan?" tanong niya
" Kalimawan sa sulat" simple kong sabi
Ipinakita ko sa kanya ang sulat
"Bakit ganito ang nakasulat dito? Bakit mahal mo pa ako? Anong ibig sabihin nito? Bakit mo ito ginawa? Para ba mas masaktan ako? o para ipamukha mo sa akin na may pag-asa ako? Sagutin mo lahat ng bakit ko. Bakit mo ito ginawa sa akin? Hindi mo ba alam na sa pagkabasa ko ng sulat mo umasa ako?" pagsasalita ko
Simula nang tumulo ang luha ko.
"Huwag kang umiyak Kyle, ang dahilan kung bakit kita iniwan ay player ako. Pamalit ka lang para sa akin" sabi niya
Nagsimula na rin siyang umiyak
"Sorry." at hinalikan niya ako sa pisngi at lumisan.
Umalis ako sa Star Cafe.
------------------
Sorry kung konti lang-Enjoy Reading~
BINABASA MO ANG
Hindi Ko Alam: Kuwento ng Paglimot
Teen FictionHindi lahat ng beses alam mo lahat ng bagay. Minsan kailangan mong sabihin na hindi mo alam ang mga bagay upang mapunan ang espasyong iyon na humihingi ng sagot