Prolouge

73 4 2
                                    

Pagkadilat ko ng aking mata, lahat ng nangyari ay bumuod at nag-isa sa aking isipan. Hindi ko akalain na kaya akong taksilin ng babaeng pinakamamahal ko. Ipinagpalit niya ako sa di hamak na lalakeng siya ay lolokohin lamang. Iyon din ang araw kung saan ko tuluyang nalaman ang katotohanan. Ang katotohanan na hindi lahat ng ibinibigay sa iyo ay babalik sa iyo agad agad. "It takes a qazillion time more than you expected until your efforts came back to you".

Pagkatapos ko magmuni-muni sa aking sisidlan, binalak ko na rin na tumayo. Inayos ko ang aking higaan. Tinanghali na ako nagising kaya inaasahan ko na nagtutumakbo ang boses ng aking inay.

"KYLE! GUMISING KA NA! MAY BALITA SI DREW PARA SA IYO! DALIAN MO DIYAN"

"Just a minute mom". sinabi ko ng may pagtataka sa aking isipan.

"Ano kaya ang balitang dala ni Drew sa akin?"tanong ko sa aking sarili. Nagmadali na rin ako sa pag-aayos nang malaman ko na kung ano ang balita na hatid ni Drew.

Si Drew ang isa sa mga pinakamatatalik kong kaibigan. Siya ang pinakamayaman kong kaibigan. Huwag mong isiping pineperahan ko siya. Siya lang naman ang anak ng Buendiraz Corporation. Isa sa mga tinitingalang Gadget Manufacturers sa ibang bansa. Nagapply rin ako sa kanilang kumpanya pagkatapos ko ng kolehiyo.

Bumaba na ako galing sa hagdan, agad kong natanaw ang Hummer na pagmamay-ari ni Drew. Nahihilo pa ako dahil sa mga nainom ko kagabi.

"Good Morning Mr. Delafuente" bati sakin ng sekretarya ni Drew.

"Good Morning to you also Ms. Cortez" sunod bati ko sa kanya.

"Drew, ano ba ang meron at humayo pa kayo rito sa aming munting tahanan?" tanong ko nang may pagtataka

"We just want to ask you where do you want to work as our Spokesperson my friend?"

"Is it real? I will work to your company?" tanong ko ng may tuwa't galak.

"Yeppp. Definitely. sagot niya.

"Thank you very much Drew." pagpapasalamat ko sakanila.

"No probs." kaniyang sambit

Ngayong may trabo na ako bilang isang spokesperson sa isang kilalang companya maiaahon ko na ang aking puso sa lalim ng pagkabigo.

"Let's see you then tomorrow at our company. Bye!" kanyang bati

"Goodbye!" aking balikbati.

Isang pangarap ngayon ay natupad. Pangarap namin ng aking ama. Pinangarap niya sa akin na makakatungtong at makakapagtrabaho sa kumpanyang iyan.

"Anak. Balang araw ay magtatrabaho ka sa kumpanyang iyan bilang isa sa mga matataas na posisyon" bilin ng aking ama.

"Opo itay! Makakapagtrabaho ako riyan."sagot ko sa kanya.

Ngayon, sigurado ako na ipagmamalaki ako ng aking ama.

"KYLE!! MAGTATRABAHO KA NA!!"sigaw na bumungad at gumising sa aking katawan.

Nagtatatalon sa saya si Mama dahil sa narinig niya. Maikukumpara sa uod na inasinan ang reaksiyon ni mama.

"KUYA ANONG NANGYARI? TAWAGAN KO NA BA YUNG PULIS?" Sigaw ni Kylie na kababata kong kapatid.

"Nakapasa lang naman ang kapatid mo sa Defuente Company" pagmamayabang ni mama

Sumabay na din si bunso sa pagtatatalon sa saya. Nagresylta tuloy ito sa nakabibinging ingay.

"Kuya! Palibre naman diyan!"

"Sige. Mamaya kakain tayo sa Graceland" sabi ko sa kanila

"YEHEY!!!" Sigaw ni Kylie

Matapos noon ay binalak kong humayo at pumunta sa isa Mall. Kailangan ko kasi ng pagkain.

Sumakay na ako sa aking Porsche na regalo sa akin ni ama bago siya mamatay. Binilin niyang huwag ko raw ito palitan kasi importante daw ito sa kanya at hindi ko alam kung bakit.

Sa aking ruta papuntang Mall, nakita ko ang isang pangyayaring muling sisira sa akin. Nakita ko ang taong linoko ako kasama ang kaniyang iba. Siya si Lendria Buentiempo.Maganda. Mabait. Tipikal na magugustuhan ng isang lalake.
Hindi ko alam kung bakit niya ako niloko. Ang saklap naman. Niloko niya ako.

Di ko inaasahan na tumulo na pala ang aking luha. Bumigay na ito.

"I'll move on or move out" hamom ko sa aking sarili.

Di ko namalayan na nakarating na ako sa Mall. Agad akong pumunta sa Starbucks para bumili ng Frappe. Masaya na ako sa buhay ko. Kuntento na ako.

Lumipas ang oras hanggang sa humayo na ako sa Graceland. Halos lahat ng kapamilya ko ay dumalo.

"Kyle, kailan ka mag-aasawa?" tanong ni Tita Claud sa akin.

Agad akong natigilan sa tanong ni Tita.

"Tita, gagraduate palang po ako. Hindi pa po ako nagdedebut. Wag po masyado advance mag-isip" sagot ko kay Tita

"Concern lang naman ako sayo. Baka tumanda kang binata" pag- aalala niya sa akin.

"Sa gwapo pa naman ni Kyle, hindi siya makakahanap ng asawa" sambit ni mama

"Ahh Oo nga noh Kyla" pagbibiro ni Tita

Natapos na lahat kami kumain at
nagsiuwian sa sarili naming mga bahay.

Pagkarating ko sa bahay, agad akong humiga sa kama. Napatanong ako sa aking sarili

"Kailan ba ako magmamahal muli? Hindi ko alam. Ang alam ko dapat ko siyang Kalimutan.

Hindi Ko Alam: Kuwento ng PaglimotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon