Kabanata 4

31 1 0
                                    

Habang naglalakad ako sa gilid ng Kalye Espinosa, hindi ko napigilang mapa-isip kung bakit niya ako pinaglaruan. Hindi na ako umiiyak ngayon, dahil naubos ko na ilabas kanina

Balik Tanaw

Pagkatapos niya umalis ay umalis na rin ako. Pumunta ako sa pinakamemorableng lugar kung saan siya ang pinakana-aalala ko. Sa Farm ng mga Cortez. Dito namin ginawa ang pinakamasayang alaala. Dito kami naglaro ng habulan, taguan at pagsakay sa mga kabayo. Pagkatapos namin maglaro ay dito sa mga dumuhan kami nagyayakapan.

Pero sa oras na ito, imbes na saya ang aking dadamhin, lungkot ang naramdaman ko. Lungkot na pinalapit ako ulit sa karagatan ng pagkabigo. Habang sinasabi ko ang mga salitang iyan ay unti-unti, tumutulo ang mga luha ko.

"These place is too good to be true; and to sorrowful to be loved" sabi ko bago ako umalis.

Umuwi ako sa bahay at nagpaalam na magjogging. Naglakad ako hanggang makapunta dito

Pagputol ng balik-tanaw

Ngayon, narito ako sa may tulay nagmumuni-muni. Biglang may tumulak sa akin.

"HUWAG KANG TATALON!" sigaw niya

"Binibini, ano ang pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya

"Akala ko tatalon ka" sabi niya

"Thanks for the concern" pasalamat ko

"Mukha kang heartbroken" puna niya

"Oo, Binibini" sabi ko

"Tara! Pag-usapan natin yan" sabi niya

Dinala niya ako sa isang restawran. Umorder siya ng Dalawang burger na may Iced Tea.

Nagsimula siyang magsalita

"Ako nga pala si Jaime Barbers. Jame nalang"

"Ako nga pala si Kyle. Kyle Delafuente" sabi ko

"Sino ba yung nang-iwan sa iyo?" tanong niya

"Si Lendria, Lendria Buentiempo " sabi ko

JAME'S POV

Hindi ko alam na ang lalaking ito ay ang lalakeng sinaktan ng pinsan ko.
Ngayon ko din napansin na may mukha din pala yung pinsan kong iyon. Nakabingwit pa naman siya ng ganito. Gwapo, perfect lined jaws, Maputi, Magandang pangagatawan, loyal at sa lahat, mapupungay ang kanyang mga mata. Bakit niya kaya ito iniwan? Ano kaya ang dahilan?

"Jame? Ayos ka lang?"nagisingan ako sa tanong niya

"Ayy, oo" simple kong sabi.

"Ano nga pala ang dahilan bakit kayo nagsplit?" tanong ko

"Reserve lang ako" sabi niya.

Ginawa niya iyon? Ay masaket nga talaga ang dinaraanan ng kuyang ito. Pero kahit ganun, gwapo parin siya.

"Pwede ko ba malaman ang buong pagkatao mo Jame?" tanong niya sa akin

"Sige" sabi ko

"Ako si Jame, anak ng may-ari ng Barber's Corp. Gusto ko manirahan ng normal. Nagmahal na din ako. Isa akong estudyante sa paaralan mo at ang huli, pinsan ko ang taong nanakit sa iyo" sabi ko

Bigla siyang umiyak ng di ko napapansin.

"Ayos ka lang?" tanong ko

"Oo ayos lang ako. Kahit masakit, ayos lang ako, kahit nahihirapan ako, ayos lang ako. Ikabubuti ko lang naman ito. Kaya ayos lang ako." sabi niya

Dumating na ang pagkain.

"Ikain mo nalang yan" sabi ko

"Mawawala 6-Pack Abs ko sige ka" pagbibiro niya

Agad akong namula. I have blushed accidentally. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Hindi ko rin mapigilang mapa-isip. Ano kaya ang mukha niya kapag topless? haystt. Pag-iisip ko. Malala.

"Oh bakit ka nakanganga at naglalaway?" tanong niya

Shocks. Naglalaway ako.

"Wala" sagot ko.

"Lupa. Kainin mo na ako. Dali!" utos ko sa lupa.

"Yung pagkain lumalamig" paalala sa akin ni Kyle

"Ahhh Sige kakainin ko na" sabi ko

Kinain ko na yung burger.

Tinanong niya ako. "Can I have your number"

"Sige" sabi ko

"0912*******, yan ang number ko" sabi ko

"Salamat" pasalamat niya

"Text you later, Bye" sabi niya

Nginitian ko siya.Pagkatapos noon ay umuwi na ako.

KYLE'S POV

She's a different girl. Siya ang pinakaiba sa lahat ng mga binibining nakilala ko. She's unique and that makes her more beautiful. Maganda siya sa sarili niyang paraan.

Naisip kong tawagan siya bilang isang sorpresa. Pakiramdam ko ay masyado ako na-attach agad sa kanya. Hindi dahil sa may pagkakahawig nila ni Lendria ngunit dahil sa kanyang personalidad na iba. And I like it.

"Hello? Binibini?" panimula ko

"Sino to?" nagtataka niyang tanong

"Hindi mo ba ako naaalala?" may pagka-disappoint sa tono

"Paano ko maaalala kung di ka magpapakilala" pilosopo niyang sagot

"Ako to si Kyle" pagpapakilala ko

"Kyle! Ikaw pala yan" may pagkamangha sa tono

"Agad kang nakalimot" sabi ko

"Mas gwapo kasi boses mo sa phone" parang mahina at kinikilig niyang sabi

"Ano yun? Di ko masyado narinig" pagpanggap ko na hindi narinig

"Wala, Bakit ka pala nakatawag?" tanong niya

"Gusto kitang makausap" simple kong utos

"Busy ako ngayon. Sorry" paghingi niya ng tawag

"Magkita nalang tayo" sabi ko

"Saan?" tanong niya

"Dating tagpuan, alas dos ng hapon" sabi ko

"Sige" pagpayag niya

"Ibababa ko na ba ang linya?"sarkastiko kong tanong

"Oo" pagpayag niya

Naghanap na ako ng maisusuot para bukas. Sakto itong puting v-neck shirt, dogtag at maong para bukas. It is not a simple meet-up, it's a date.

Hindi Ko Alam: Kuwento ng PaglimotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon