Candice
Simula ng magkita kami ni Suga ay nagkwe-kwentuhan na kami through chat, busy daw kasi siya palagi sa work.
Nandito ako ngayon sa park nagpapahangin, kakatapos lang ng klase namin.
Nakita ko sa isang banda ang mga ka-age ko lang na kume-kembot ang pwet.
Suskopo, momoland na naman ata ang sinasayaw nila.
Di ba sila nasasawa kakakembot aba eh sobrang ikli din ng mga shorts!
Napairap na lang ako ng wala sa oras.
Nakuha ang attensiyon ko ng isang lalaki na sinusuri ang isang bulaklak.
Mukhang amaze na amaze siya sa bulaklak na yun.
Nakaside-view siya at di ko makita ang mukha niya dahil naka mask siya tapos naka-cap pero halatang manghang-mangha siya sa bulaklak na yoon.
Nilapitan ko siya.
"Ang tawag diyan Fleuria, ang ganda noh?" Nakangiting sabi ko.
Lumingon siya sa akin at wow, ang ganda ng mga mata niya.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ako.
Inalis niya ang mask niya at nakita ko kung gaano siya ka gwapo, ang tangkad niya rin!
"Ikaw ba si Candice Yvonne Malaban?" Excited na tanong niya, koreano siya.
"Ahmm, yes? Nagkita na ba tayo dati?" Sabi ko.
"Uhmm no, but I know you. Call me V! I gotta go bye!" Sabi niya sabay takbo.
What a handsome weirdo.
BINABASA MO ANG
The Non Kpop
FanfictionIsang non kpop, ✅ KJ pag dating sa KPOP, ✅ Honour Student, ✅ Loner, ✅ Ako nga pala si Candice Yvonne C. Malabanan, the non kpop girl. Ano kaya ang mangyayari kung ang isang non kpop ay magkaroon ng somewhat connection sa pinaka sikat na boy group, B...