Chapter 4

7 0 0
                                    

Napairap ako ng si Mark ang sumagot imbis na ako

"Oh dude andyan ka na pala" bati sakanya ni Caleb

"Ay hindi wala ako dito! Poster ko lang  to! Mabangis ka par"nakakainis ang tono ng inutil na to kaya naman binatukan ko sya

"Tara na! Male-late tayo" sabi ko sakanya at hinila sya

"Baka nakakalimutan nyo kasama nyo ako" Nagulat ako ng maalala ko na kasunod nga pala si Caleb.

"Sorry,tara na" paumanhin ko.

Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilan si Mark na mang-asar.Nakakagigil talaga kung konti lang talaga yung mga tao na sapok ko na to.Buti na lang nakarating na kami sa school kaya sandali syang tumigil kasi dumaan kami sa mga guard kaso nagpatuloy agad sya sa pang-aasar ng makalagpas na kami.

Pinipisil-pisil nya ang braso ko at ako naman ay naiirita kasi masyado sya'ng touchy.Hay bwiset alam na alam naman nya'ng ayaw ko nagpapahawak masyado eh

"Hoy inutil tigilan mo na nga yan! Naiirita ako" sabi ko sakanya sabay hampas ko sa kamay nya

"Ay loko ka ah" aniya at pinisil pisil naman yung pisngi ko

"Markkkk!" nahihirapan na suway ko sakanya.Bigla na lang may pumigil sakanya at nakita ko na kamay yun ni Caleb

"Dude nasasaktan yata sya"yiee concern si Caleb hihihi.Tumigil si Mark sa ginagawa nya at hinarap si Caleb.

" Walang talab sakanya yun! Ang laki kaya ng cheeks nyan! May siopao ba yan sa loob hah?"pang-aasar nya at sinisiko-siko pa ako.Sa inis ko ay tinapakan ko yung paa nya

"Inutil!" I hissed then I walked out.

"Baliw yung bestfriend mo noh?" Nagulat ako nung nakasunod pala sakin si Caleb

"Abnormal yun eh,hayaan mo na wag ng pansinin" sabi ko

"Konti na lang iisipin ko na may gusto na sayo yun"lagi na lang ako nagugulat sa sinasabi nya.Tinignan ko sya ng may kunot sa noo at nakita ko sya'ng iiling iling.

" Tss bat ba lahat na lang sinasabi yan.Porke lagi kaming magkasama mag jowa na agad kami! Bestfriend nga lang eh"iritadong sabi ko at mukhang napansin nya yun.

"Sorry" malambing na sabi nya na nakapagpangiti sakin

"Balakajan" kunwaring naiinis na sabi ko at inunahan sya'ng maglakad papuntang room.

"Uy wag ka ng magtampo,niloloko ka lang naman eh" malambing na sabi nya pero imbis na matuwa ay nabahala pa ako.Para kasing double meaning yung 'niloloko ka lang naman'.Tinignan ko sya at nginitian.

"Sige lang" sabi ko sakanya at nagpatiunang pumasok sa room.

Pagkaupo ko ay sya'ng pagpasok ng inutil ko'ng bestfriend

"Hoy babae! Bat mo ko iniwan hah?!" Sigaw neto

"Eh bwiset ka kasi!" Sabi ko sakanya at inirapan sya

"Lq kayo?" At dumating nanaman ang mapanuksong tanong ni Jimboy samahan mo na rin ang tingin ng mga kaklase namin

"Di kami lovers! May quarrel lang kami pero di kami lovers!" Sigaw ko sakanila at nagtawanan na lang sila

Mga bwiset sinabi ng hindi nga kami eh at magbestfriend lang!

Tumingin ako kay Caleb at nakita ko sya'ng nakayuko lang.Anong problema nito at bakit parang ang tahimik? Selos ba sya?

Ka-close ko si Crush! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon