Ela
"Hoy Ela! Gumising ka na bahala ka male-late ka nyan" dinig ko sabi ng kapatid ko.
Panaginip lang pala ang lahat! Akala ko totoo yung pag sang ayon ni Caleb! Y-yung mag jowa sila ni Kaira! Gosh dko yata keri yun!
"Hayaan mo sya Shan,maaga pa" sabi naman ni lola
Ngayon yung intrams namin kaya kahit anong oras pwede akong pumasok
Alas otso ng maisipan ko ng pumasok.
"Lola alis na po ako" sabi ko sakanya
"Ha? Mamaya ka na umalis.At ng mapaliguan natin si patetot" sabi niya.Pinsan ko si patetot.Wag ka maganda pangalan niya! Samantha Ysabelle
"La hinihintay na po ako ng mga kaibigan ko" katwiran ko.Mga alas onse pa kasi namin pinapaliguan si patetot.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni lola at agad akong lumabas ng bahay.Grabe bermonths na palamig na rin ng palamig dito sa baguio.Did I already mention to all of you na sa baguio kami nakatira?
Whatever kung hindi ko na nasabi sainyo andami ko kasing iniisip eh.
Teka nga bat ko ba napaniginipan na sa iisang bahay kami ni Mark natutulog? Well kilala sya ng mga magulang ko kasi sa kabilang subdivision lang ang bahay nila at isa pa andun sila mama.Pero hindi sila as in yung super close.Niloloko nga ako ni mama baka daw isang araw kami na ni Mark tss.See pati nanay ko ah!
Syempre dumiretso na ako sa subdivision nila Mark at dumaan muna kila mama.Hindi na rin kasi ako masyadong pumupunta sa bahay nila.Di ko feel yung step-father ko pero goodvibes naman kami nun.Ayoko lang talaga mautusan hihihi.
Dire-diretso na ko sa pagpasok sa loob ng bahay nila at tinawag sila agad.
"Ma!" Sigaw ko.
"Oh" sigaw din niya.Umakyat ako sa 2nd floor syempre alanganaman sa groud floor ako umakyat diba? O di kaya sa under ground! Pwe corny mo Ela? -_-
"Baon?" Naka pout na sabi ko
"Ayan dyan ka magaling! Pupunta ka lang dito pag may kailangan ka"sermon ni mama habang inaabot sakin yung pera.
"Mamats pasok na ko! Labya"sigaw ko at dali daling lumayas na.Ala dun si papa baka nasa trabaho.Pulis nga pala sya hehe.
Dadaanan ko ba si Mark o hindi? Syempre hindi! Ang mga kasabay ko naman talaga sa pagpasok eh yung mga chikababes kong bespren! Imagination ko lang yung mga nasa previous chapter! Dito pa lang talaga magsisimula ang kwento hahaha.
Ang totoo hindi talaga kasali si Caleb sa Ginoong Palaro ng school namin,ayaw ng sumali ng gago pero nung buwan ng wika kasali sya.Nga pala kung paano kami nagkakilala ay yun lang ang totoo hehe sorry na pis tayo.
BINABASA MO ANG
Ka-close ko si Crush!
Romancewala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na kahit nalaman ni crush na crush ko sya ay di nya ko iniwasan.In fact mas naging close kami. blehhh mainggit kayo! -M.A.L <3