Natawa na lang ako sa naisip ko kanina.Bat naman magseselos si Caleb eh may ibang gusto yun hahaha! Para ka talagang timang Ela
"Hoy inutil ano nanaman yang iniisip mo hah" aish! Eto nanaman po sya!
"Iniisip ko kung paano kita unti unting papatayin" sarkistong sabi ko
"Mamamatay tao!" Kunwaring natatakot na sabi nya.Inirapan ko lang sya at hindi pinansin
"Inutil anong kakainin mo?" Tanong nya dahilan para mapatingin ako sakanya
"Libre mo?"tanong ko
" ang tapang naman ng hiya mo ako na nga oorder para sayo ako pa magbabayad?"sarkistong sabi nya at napairap nanaman ako.
"Dalawang steak tsaka isang rice tas c2 solo na lang oh" sabi ko sakanya at inabutan ng 100 pesos.Kinuha nya ito saka pumunta sa counter.Lunch na nga pala ngayon .Nilabas ko na lang ang cellphone ko at naglaro ng Helix jump.
"Taken na ba yung seat na to?" Nagulat ako ng biglang may magsalita sa tabi ko.
"Ay pussycat na mabalbon" nasabi ko tuloy at agad na tinakpan ang bibig ko.Tinignan ko ng masama yung taong nanggulat sakin at mas laking gulat ko ng si Caleb pala ito
"Caleb?" Gulat na tanong ko
"Hi Ela" nakangiting sabi nya
"Balak mo ba akong patayin hah?" Sarkistong tanong ko
"Sorry naman kung nagulat ko.Anyway pwedeng maki-upo dito?" Tanong nya.Ngumiti ako sakanya at tumango.
"Hoy anong ginagawa ng lalaking yan dito hah?" Agad na tanong ni Mark nung makita nya na kasama ko si Caleb
"Dude obvious ba? Nakaupo ako diba?" Nakangising sagot ni Caleb
"Pwesto ko yan,layas!" Pagpapataboy nya kay Caleb
"Mark! Kasya naman kayo eh!" Suway ko dito
"Ay hindi ayoko! Nasu-suffocate ako kapag kasama yan" biro nito
"Sige dun na lang ako tatabi kay Ela" Sabi ni Caleb.Ay gosh seryoso tatabihan nya ko? Yumuko ako kasi feeling ko pulang pula na ako sa kilig.
"Ay ay hindi! Dyan ka na lang ako ang mas may karapatan tumabi kay Ela" kaso naglaho lahat ng kilig ko at napalitan ng inis ng biglang tumabi sakin si Mark.
"Pakyu ka" bulong ko sakanya
"Labyu2" aniya saka tumawa.Sinapalan ko sya ng mamon na binili nya para mapatigil sya
"Sarap noh" sarksitong sabi ko saka tinutulak tulak yung mamon sa bibig nya.
"H-hindi a-ako ma-mak-kahinga" nahihirapang sabi niya.Nakita ko na namumula na sya.Ay syaks! Nakalimutan ko di nga pala sya masyadong makahinga ng maayos!
"N-naku s-sorry ikaw kasi eh!" Natatarantang sabi ko at inabutan sya ng tubig
"Dude ok ka lang?" Tanong ni Caleb pero di sya nito pinansin
Malalim na sunod sunod na paghinga ang narinig ko kay Mark.Ay potek hinika na yata.Mahina din kasi ang puso nito eh.Agad ko'ng hinanap sa bag nya yung inhaler at inabot agad sakanya nung makuha ko.
Ginamit nya agad ito samantalang ako naman ay hinagod hagod ang likod nya.Nung medyo okay na sya ay kumalma na ako
"Sorry" sabi ko sakanya saka sya niyakap.Kahit naman palagi akong binubwiset ng bestfriend ko na to eh syempe ayoko pa rin sya'ng mapahamak.Naramdaman ko na yumakap din sya sakin kaya napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Ka-close ko si Crush!
Roman d'amourwala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na kahit nalaman ni crush na crush ko sya ay di nya ko iniwasan.In fact mas naging close kami. blehhh mainggit kayo! -M.A.L <3