Chapter 7

6 0 0
                                    

Ela

Matapos kumain ni Caleb ay iniwan na nya kami.Nagstay muna kami ni Mark dito sa canteen.Hanggang ngayon kumakain pa kami hehe

"Grabe ang sherep talaga ng cuppycake nila" natutuwang sabi ko habang kinakain

"Halata nga,panlima mo na yan eh.Kaya di ka pumapayat kain ka ng kain" mapangasar na sabi nya kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.

"Tapukin kita dyan eh" pagbabanta ko sakanya na ikinatawa naman nya.

Habang busy ako sa pagkain ay nagce-cellphone naman si Mark at nalalaro ng Helix jump.Hehe peyborit namin yun eh

"Hi guys!"

Muntik na akong mabilaukan sa gulat.

"Grabe ka Jimboy! Papatayin mo ba ako ha?" Biro ko

"Ay sarreh namern! Nagde-date kayo?" Ayan nanaman sya sa mapanuksong tanong nya

"Hay naku Jimboy,di na kayo nasanay na kami laging magkasabay" sagot ko at inubos ang huling cuppycake.Teka cupcake lang yun ah.Pero cuppy cake tawag ko cute cute kasi pakinggan

"Bagay kasi kayo" maarteng sabi nya

"The heck? Kelan nyo ba kami titigilan sa ganyan? Bestfriends nga lang eh" reklamo ko at sinimangutan sya.Si Mark tahimik lang na naglalaro.

"Di ba pwedeng maging kayo" makulit na tanong ni Jimboy

"Pwede" sabay na sagot namin ni Mark at nagkatinginan kami

"Kyaahhhhh edi maging kayo na!" Sigaw ni Jimboy kaya binawal ko sya

"Shh! I mean pwede naman maging kami kaso talagang magbestfriend lang ang prefer namin na relationship.Hanggang dun na lang yun"paliwanag ko na ikinasimangot nya

"Ay! Akala ko may chance na" nanghihinayang na sabi nya

"Baliw! Tara na nga sa room!" Aya ko sakanila.Dahil di pa tumatayo si Mark ay hinila hila ko pa sya kaso lalong namimwiset.

"Buhat" aniya at nagpuppy eyes pa

"Gago ka ba? Di kita kaya!" Reklamo ko.Tumayo na sya at kinuha yung kamay ko saka ni-interwined ang mga daliri namin

"Ayieee hhww sila"napansin pala ni Jimboy yun

" wag malisosyo"himala si Mark mismo ang nagsuway sakanya.Sanay naman na ako na magka holding hands kami ni Mark eh.Kaso naiilang ako kapag pinatitinginan kami ng mga tao.Parang mga timang tsk!

Did I mention already na ayokong clingy or touchy masyado si Mark? Pero everytime na magka holding hands kami I feel so safe in his hands.Ay napapa english ako sana tama.Pero seryoso kung siguro si Caleb ang gumagawa sakin nito namatay na ko sa kilig.

Malapit na kami sa room ng makasalubong namin si Caleb at Kaira na magkasama.Nakakapit si Kaira sa braso ni Caleb habang nagtatawanan sila.Napatingin naman sa gawi namin si Caleb at nginitian ako ngunit agad din itong napalitan  ng pagkunot ng kanyang noo.Hala bakit? Nakita ko na may tinitignan sya kaso di ko sure kung san sya mismo nakatingin.

Ang iniisip ko ngayon bakit sila magkasama ni Kaira? At worst! Nakakapit pa sakanya ito!

Sila na kaya? :<

Ka-close ko si Crush! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon