Part 4

327 7 1
                                    

 *

“Excuse me."

Nagulat si Julia sa tinig mula sa harap niya. Nasa supermarket siya sa mga oras na ito at kasalukuyang namimili sa mga paborito niyang junk foods para sa palabas mamaya sa HBO. Sa harap niya ay isang matangkad na lalaki na medyo mestisuhin ang nakatayo at nakangiti sa kanya.

"Hello." bati ni Julia at pagkatapos ay tumayo upang mas lalo niyang maaninag ang itsura ng kausap.

"I'm sorry." sabi nito. "This is very awkward pero nagkita na tayo before."

Ngumiti si Julia pagkatapos ay umiling. "I'm sorry too pero hindi ko matandaan kung kailan."

"Okay it goes like this." sabi ng lalaki. "You and your friend stopped in front of a red light in Monica Lane. There's a starbucks besides you and ---"

"Oh yes I remember!" sabad ni Julia. "Ikaw yung tumayo at ngumiti sa akin."

"Bingo!" bigkas ng lalaki pagkatapos ay inabot ang kamay niya. "I'm DJ."

"Julia." sagot ni Julia at kinamayan si Daniel. Natigilan sandali si DJ nung marinig ang pangalan niya.

"Oh bakit natigilan ka?" nakangiting tanong ni Julia. Ngumiti din si DJ pagkatapos ay umiling.

"It's nothing. It's just... parang common name na kasi ang Julia nowadays."

"Which means?"

"Nothing." nakangiting sagot ni DJ. "I guess I have too many friends with the name Julia."

Sabay silang namili ng mga gamit sa bahay. Walang tigil sa kuwento itong si DJ. Parang hindi mauubusan. Si Julia naman ay nae-entertain sa mga kuwento ni DJ. Sanay siya na merong magpapakilala out of the blue sa kanya. Pero nagtatagal lang itong ng 30 seconds at pagkatapos ay lumalayo na siya. Ngunit ngayong si DJ na ay hindi niya magawang lumayo. Nakakatuwang kasama kasi ito at hindi lang isang beses na napatawa siya nito ng malakas.

Pagkalabas nila ng counter ay hindi pa rin siya nilubayan ni DJ. Nagyaya itong kumain na pinagbigyan naman ni Julia. Sa loob ng restaurant ay tuloy-tuloy pa rin ang mga kuwento at biro nito. Sumasabay na rin si Julia sa mga kuwento ng buhay niya at natapos ang araw nila na pareho silang masaya.

Hinatid ni DJ si Julia sa sasakyan nito. Nung mailagay nang lahat ang mga pamilihin ni Julia sa sasakyan ay lumapit siya kay DJ at nagpasalamat.

"Well DJ, I think this is it." sabi nito pagkatapos ay inabot ang kamay ni DJ. "Thank you."

"Wait." sabi ni DJ. "This doesn't mean, THE END na di ba? I'd like to see you again if it's okay."

"That's very nice of you." sagot ni Julia. "But I'm seeing someone and I don't want him to---"

"Hindi pa naman kayo kinakasal di ba? So what's the harm?"

Hindi nagsalita si Julia.

"Please don't think na parang inaagaw kita sa kanya." patuloy ni DJ. "It's just... I had a very good time with you. Sayang naman if bigla na lang matitigil di ba?"

"I had a good time with you too." sagot ni Julia. "But would you like it if your girlfriend sees someone else besides you? Kahit sabihin niyang kaibigan lang niya ito?"

Natahimik si DJ. Pagkatapos ay umiling. "You're right. I guess not."

Sumakay ng sasakyan si Julia. Pinaandar ang sasakyan, inurong muna palabas at pagkatapos ay umusog pa-forward at tumigil sa harap ni DJ. Ibinaba ni Julia ang bintana sa side niya at tumingin kay DJ.

"Can I ask you something? Are you always in Starbucks? Everynight?"

"Our office is in 9th floor. Kaya regular kami sa Starbucks every 8 pm." sagot ni DJ.

"Okay." ngumiti si Julia at pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan palabas ng parking lot.

----------------------------

-Batgirl.

My Soulmate. [мσмσ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon