Part 8

298 8 0
                                    

*

Dumaan ang isang linggo. Hinihintay ni Julia ang pagtawag ni John pero naging tahimik na ito. Sumama kaya ang loob ni John dahil hindi niya sinagot ang tawag nito? Ito ang nasa isip ni Julia na lalong nagi-guilty sa ginawa niya. Nagkaroon sila ng special relationship ni John. Parang mutual understanding ang nangyari...

sa kanila. Ngunit naging unfair talaga ang tadhana dahil nakilala din niya itong si DJ na bukod sa cute at may itsura ay magaling makipag-usap kaya't mabilis na naangkin nito ang damdamin niya at ang (alam nyo na. nahihiya po akong itype) nya.

 

Isa pang pinoproblema ni Julia. Nagkakaroon na siya ng morning sickness. Sumasakit ang katawan niya minsan at napapadalas ang pagduwal niya sa comfort room. Si kath lang ang nakakaalam sa nagyari sa kanila ni DJ.

 

Dahil natatakot bumili itong si Julia ng (kung ano man twag dun) test para malaman kung buntis siya talaga ay si kath na ang nagmagandang loob na pumunta ng botika.

  *

Tama nga ang hinala ni Julia. Buntis siya. Hindi nakapasok si Julia dahil dito. Nanlamig ang katawan niya sa kaba lalo na't hindi niya ma-kontak itong si DJ na na-terminate sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ayun kay Kath na siyang pumunta sa opisina ni DJ at nakaalam ng nangyari.

"What am I going to do?" sabi ni julia sa sarili. "Ano na ba ang nangyayari sa buhay ko?"Alam na rin ito ng magulang nya, pinagalitan sya pero sa huli, wala na daw silang magagawa. matanda na daw sya at sya na ang magdesisyon pra sa sarili nya.

 

"Friend naman, huwag ka ngang ganyan." sabi ni Kath.. 

 

"Look friend," sabi nito. "you have a stable job. Kumokota ka lagi buwan buwan at ang laki ng nako-commission mo. Kaya mong buhayin ang magiging anak mo. Hindi mo kailangan ng lalaki."

"Kaya lang hindi ito katulad ng iniisip mo." sabi ni Julia na naluluha na. "Hindi naman namin ginawa ito ni DJ ng basta basta. May feelings din naman ako sa kanya ano?"

"Katulad ng feelings mo kay John?"

"Yun nga ang lalong nagpapahirap!" sabi ni Julia. "In truth, mas mahal ko na si Dj kesa kay John. But I can't help feeling guilty."

"Yeah I know, you felt that you betrayed him, ilang beses ko nang narinig yan."

"Parang ganun naman kasi ang nangyari eh." hikbi ni Julia

 

"Friend naman huwag kang ganyan!" saway ni Kath. "Baka makunan ka niyan! Think of your baby. Gusto mo bang mawala siya sa iyo?"

"As of now, hindi ko alam." sagot ni Julia

 

"Julia." malumanay ang tinig ni kath ngayon. "Ikaw ang mommy niya. Don't think that way."

"I'm sorry." sabi ni julia. "Magulo lang kasi ang isip ko ngayon."

"Okay lang. O sige, I have to go na." tumayo si Kathat isinukbit ang shoulder bad niya. "Tandaan mo friend, iba ka na ngayon. Mommy ka na."

My Soulmate. [мσмσ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon