Part 7

288 6 0
                                    

9th floor. Padilla Architects Office. 10 am the next day.

"Mr. Estrada can I see you in my office?"

Nasa harap ni DJ ang vice president nilang si Mr. Enrique Magyabong. Matagal ng architect itong si Enrique. Naabutan niya ang may-ari ng kumpanya na si Mr. Rommel Miguel Padilla nung ito ay very active pa. Isang mahusay na architect itong si Enrique na dahil sa galing ay na-promote hanggang maging vice president ng kumpanya. Ang problema lang dito kay Enrique ay mayabang ito at mapagmata. Lahat ng mga bagong arkitekto ng kumpanya ay nalasap ang masakit na hagupit ng dila nito. Mapagmura at mapanlait. Yan ang unang deskripsiyon nila kay Enrique.

"Sit down Mr. Estrada." sabi ni Enrique kay DJ. Nung makaupo na ay tiningnan nitong mabuti muna ang binata bago nagsalita.

"I've been an architect for more than twenty years." sabi ni Enrique "I've seen people like you come and go. I've seen some succeed while most go down like rotten apples."

"I know a rotten apple when I see one Mr. Estrada." sabi nito habang nakaturo ang daliri kay DJ. "Rotten apples, employees, eats company resources and because of that they should be disciplined or... terminated."

"Did I do something wrong sir?" tanong ni DJ.

"I was informed about this so called activity of yours." sabi ni Enrique. "What were your doing down at Starbucks at 8 pm, flowers in one hand waiting there like a fool when you should be in the office finalizing the new drafts?"

"Sir," nagpipigil si DJ. "my time is 9 am to 7 pm. As far as I'm concerned I complied with the schedule the company gave me. At the same time, the drafts have already been finalized and awaiting your signature... sir. Whatever I do beyond 7pm is none of your concern sir."

"You pompous ass!" nagtaas na ng boses si Enrique. "How dare you put that tone on me!"

"I'm only saying what is right sir." sagot ni DJ. "For one, I didn't violate company rules."

"Oh yes you did." sagot ni Enrique "You insulted me, with that tone of voice, you insulted the vice president of the company! And for that I'm going to cut you off."

"What?!" galit na si DJ. "You're telling me because I stood up for my rights that you are terminating me?"

"No one speaks louder inside this office but me! Do you understand?"

"Well since you're terminating me you're no longer my boss!"

"Damn right you are!" angil ni Enrique pagkatapos ay pinindot ang buzzer. Pumasok ang secretary ni Enrique. "Get this man out of the building! Now!"

"You are going to regret this." sabi ni DJ. "I'm looking forward to seeing your sad face again."

Natawa si Enrique. "But not as sad as someone who just lost his job. Get him out of here." Dumating ang dalawang guwardiya at hinila si DJ palabas ng opisina ni Enrique. Gulat lahat ng mga tao sa opisina sa hindi inaasahang pangyayari. Gustong magwala sa galit ni DJ pero pinigilan siya ng dalawang guwardiya.

"Sir, huwag na po. Huwag na kayong manggulo." sabi ng isang guwardiya na matagal nang kakilala ni DJ.

"Sige na sir, kunin na ninyo ang mga gamit ninyo parang walang gulo." sabi din ng isa. Inayos ni DJ ang sarili at tahimik na pumunta sa table niya. Habang kinukuha niya ang mga gamit ay narinig niya ang boses ni Zhar, sa kabilang cubicle.

"Ganyan ang nangyayari sa mga mayayabang." sabi nito. Pumunta si DJ sa cubicle ni Zhar, kung saan nakita niya ito na kampanteng nakaupo.

"So Zharm." sabi ni DJ. "I see you had your hand on this?"

"I told you I'll get you didn't I." sabi ni Zhar,. "Burn in hell DJ."

Hindi na kayang pigilan ni DJ ang naghahalong emosyon sa loob niya kaya't minabuti na lang niyang umalis ng opisina. Sa parking lot ay doon niya binuhos ang sama ng loob. Pagkatapos ay pinaandar na niya ang sasakyan palabas ng building. Pagdaan niya sa kanto ay napansin niyang wala na dito ang sasakyan ni Julia. Umiling si DJ dahil kinuha ni Julia ang sasakyan nito ng hindi man lang siya dinalaw sa opisina.

My Soulmate. [мσмσ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon