Mission 10

5 0 0
                                    

Silver's POV

Matapos ang mahaba habang usapan namin ni Jovet ay umuwi na ito.. pero bago pa man ito makalabas ng bahay ko ay pinaalala lang niya saakin na dadating SIYA..

Sinong SIYA?
Malalaman niyo rin...

Kasalukuyan akong nag wowork out sa may garden dumbles, barbles and Sit ups.. para pag pawisan.

Habang si Jane ay nandoon nanamn sa hardin at dinidilig ang mga Rosas..

'Dapat pala pinatay ko nalang yang mga rosas na yan'

Nasabi ko nlng din saaking sarili, habang nag pupunas ng pawis ay tumayo si Jane sa pag kakaupo sa harap ng mga paso at parang bumuntong hininga pa ito..

Nakita ko pa kung paano iiling iling itong pumasok sa loob ng bahay..

'Nyare don??.'

Tanong ko nalang sa sarili habang napako ang paningin sa pintuang pinasukan niya..

Maya mya lng din ay lumabas nanamn ito at may dala itong pagkain...

'Clubhouse sandwich??...'

Aba! Mukang nasa mood to ah..
Kita ko pa kung paano nito ilapag ang dalawang hiwa ng sandwich at isang basong fresh orange juice sa lamesa ng mini umbrella cottage at pumasok para isauli ang tray.

Agad namn akong lumapit sa cottage.. at kumuha ng isang slice ng sandwich. At uminom ng unting juice para makalunok ..

Halos mangalahati na ang sandwich ng...

"HOOOOOOYYYYY!!!!!" Sigaw ng isang tinig mula sa likuran ko.
Napalingon naman agad ako habang may laman pa ang aking bibig. Dahilan pra di agad ako makasagot ng agaran sakanya.

Masama ang titig niya at naka nguso.. akala mo pusang Galit..!
Inintay ko pa muna na maubos ko ang sandwich na laman ng akin bibig bago nag salita.

"Bakit!.. "

"Anong bakit!" Tugon nito.. habang masama padin ang titig.

"Ha! Bakit..?.. bakit?" Tugon ko pabalik.

"Kinain mo yung sandwich KO!" Sagot nito.

"Sandwich mo?" Tinignan ko pa muna ang natitirang kagat bago isubo ng buo ito.. dahilan para lalong mandilim ang mga mata nito.

"Pano bayan?.. ubos na e!". Pang aasar ko sakanya at agad namang namula ang tenga at ilong niya sa inis.. na may pag nguso pa..
Sa madaling salita..

ASAR NA SIYA. .

Nag titigan lang kami nang nag titigan! Hangang sa di namin namalayan na.

*dingdong~*

Parehas kaming natinag ng marinig ang doorbell
'She came'

"Buksan mo" sabay talikod at humarap sa garden..

'Palagyan ko nga ng pool to~*

Naupo nalang ako at nag pahinga ng kaunti.. alam kong pagod ang katawan ko kasi KATAWAN ko to.. mababawasan ang kagwapuhan ko pag pumangit ang pangangatawan ko.

Saglit pa kong napaisip ng

"May bisita ka"

Napaupo ako mula sa pag kakahiga sa bench doon.. at saglit na munang nahinto bago lumingon

'Now youre back... what now?'

Sa pag lingon ko ay nakita ko ang ganda ng mga ngiti sa mga labi niya.
'Bagay na ako lang noon ang nakakapag palabas'

Ang Maid kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon