Chapter 3: Challenge Accepted
Sky's PoV
" Babe! "-Tawag ko kay...wait, ano ulit name nitong hard to get na'to? Nash? Marie? Alisson?
" Pst! Babe ko! "-Tawag ko pa ulit dahil di nya ako nilingon at dire-diretso lang syang naglalakad sa corridor palabas ng school. Uwian na kasi ngayon so malamang lalabas na kami ng school.
" Dude! "-Napalingon ako sa likod nang may tumapik sa balikat ko. Si Gab pala. Huminto ako sa pag lalakad.
" What? "-Tanong ko sakanya.
" Anong what? Tara laro tayong dota. Maaga pa naman eh. "-Pag aaya nya saakin.
" Pass mo na ako. Nakakatamad. "-Sagot ko sakanya saka ako nag simulang mag lakad. Sinabayan naman nya ako at siniko-siko pa kaya napatingin ako sakanya. Problema nito?
" Huuu! May bago ka lang target eh. Landi putek. "-Sabi naman nya at nakangiti pa ang loko. Kilala na nga ako nito.
" Mukhang di ka naman type ni Ashley, dude. "-Dagdag pa nya. Oh right, Ashley. Ashley nga pala name nya.
" Pa hard to get nga lang sya. Nahihiya pa yan. "-Sagot ko at diniretso ang tingin sa daan. Nawala na sya sa paningin ko. Nakalabas na yata ng gate.
" Ewan ko. Pero dude seriously, mukhang sya na ang karma mo. Yung mga ginawa nya kanina sayo, hulaan kong first time na nangyari sayo yun. Wasak pagkatao mo no? "-Pang aasar saakin kaya napa iling nalang ako at natawa sa sinabi nya.
" Gago. "-Mura ko. Oo tama sya, first time talaga yung nangyari saakin kanina. Yung mapahiya, ma reject, at ma dedma? Tss,nanliit talaga ako. Feeling ko nga may dumi lang sa mukha ko kaya lang naging ganun yung reaction kanina ni Ashley.
" Matagal na akong gago. Pero ito nga, iri-ready ko na ang sarili ko para sa'yo. "-Sabi nya. Kumunot naman noo ko at tumingin sakanya.
" Para saakin? Bakit? "-Tanong ko. Mas lumawak ang ngiti nya bago sya sumagot.
" Oo para sayo ihahanda ko na ang sarili ko. Mag si-search na ako kay pareng Google kung paano manligaw, at mag bigay ng advices sa isang Playboy na nag ngangalang Sky. "-Nakangising sabi nya. What the heck?! Ako? Hihingi ng advice? Manliligaw? Mamatay na ba ako?
BINABASA MO ANG
TPATP : Sky the Jerk [ COMPLETED ]
Teen FictionTPATP SPIN-OFF : Sky the Jerk Genre: Teen Fiction Unang araw pa lang nya sa bago nyang school, hindi na maganda ang impression nito sa lalakeng na encounter nya. Mayabang, bastos, at akala mo kung sinong gwapong umasta. Akala nya lahat ng babae ay...