Chapter 4: SKL/SML
Ashley's PoV
" Ashley? Are you okay? Ano ginagawa mo dito? "-Napatingin ako sa likod ko nang may kumalabit saakin. Si Louisa na halata sa mukha ang pag tataka.
" Y-yes of course. Wala? N-nakatayo lang. Bakit? "-Umayos ako ng tayo saka ko pinunasan ang pawis na tumutulo mula sa sentido ko. Gosh, ang hirap nang may pinag tataguan.
" Sure ka? Kasi ito ha, may napapansin ako sayo. Ang weird mo nitong mga nakaraang araw. "-Sabi nya. Napakunot naman ang noo ko.
" Weird? Ako? B-bakit naman? "-Tanong ko sakanya kahit may idea na ako sa isasagot nya.
" Bakit lagi ka nalang late? I mean, maaga naman kitang nakikita dito sa school pero kapag mag i-start na ang klase late ka kung dumating. Tapos minsan nakikita kita na nag tatago. Tulad nalang ngayon, para kang ewan na nag tatago dito. "-Sagot nya kaya napaiwas agad ako ng tingin. Nandito kasi ako ngayon malapit sa hagdan sa second floor at nagtatago ako sa gilid ng classroom na malapit sa classroom namin para aware ako kung nandyan na sya or wala at para narin makapag isip kung ano na ulit gagawin ko kapag nandyan na sya.
" H'wag mong i-try na mag deny dahil halata ka na. Ano ba meron kasi? "-Dagdag pa ni Louisa kaya napa kamot nalang ako sa noo ko. Halata pala talaga na may pinag tataguan ako. Kung si Louisa nahalata itong ginagawa ko, paano pakaya yung pinag tataguan kong si Sky? Gosh.
" Eh kasi si Sky. Iniiwasan ko---pinag tataguan ko pala. "-Sagot ko sakanya. Dahan-dahan syang tumango at parang na gets na agad kung ano ang balak kong iparating.
" Hmm gets ko na. Ikaw nga ang target nya ngayon. Well di na ako mag tataka, maganda ka eh. "-Rinig kong sabi nya. Okay. Compliment ba yun? Pero bakit parang may kakaiba sa sinabi nya na kinainis ko? Ah ewan.
Huminga sya ng malalim at tumabi saakin saka sya sumandal sa railings ng hagdanan.
" Ilang araw na? "-Tanong nya. Wait, ilang araw na nga ba? May linggo na nga halos eh. One, two or three na yata. Yes, ganun na katagal. Mga three weeks na nga ata syang nakikipag fling saakin. Sa three weeks na'yon, walang araw na di nya nasisira araw ko. Talagang todo bigay sya sa pakikipag fling saakin. Mukhang seryoso talaga sya sa pustahan naming dalawa. Ako? Huli na para mag sisi eh. So ito, pinag tataguan at medyo iniiwasan ko si Sky. Paano ba naman kasi, lagi nya akong hinaharot, kinukulit, kinakausap at kung anu-ano pa ba talagang kinaiinis ko. May mga times kasi na may kinikilos or sinasabi sya na kinatigil ko tapos bigla syang tatawa sabay sabi ng " natatalo na kita. "
BINABASA MO ANG
TPATP : Sky the Jerk [ COMPLETED ]
Genç KurguTPATP SPIN-OFF : Sky the Jerk Genre: Teen Fiction Unang araw pa lang nya sa bago nyang school, hindi na maganda ang impression nito sa lalakeng na encounter nya. Mayabang, bastos, at akala mo kung sinong gwapong umasta. Akala nya lahat ng babae ay...