Chapter 7: Late Night Talks

116 6 0
                                    

Chapter 7: Late night talks


Ashley's PoV



Bumangon ako mula sa pag kakahiga sa kama at napabuntong hininga. Kinuha ko yung cellphone ko sa maliit na lamesang nasa gilid ng kama ko at tinignan kung anong oras na.

12:56 am.

Nice. Mag a-ala una na pero hindi parin ako makatulog. Gosh.

Napabuntong hininga ako at napa suklay sa buhok ko pataas gamit ang mga daliri ko. Nakaka frustrate. Bakit ba kasi ginugulo ni Sky ang isip ko? Bakit ba parang nakukunsesya ako kanina sa mga sinabi ko?

Bakit ang bigat ng loob ko mula pa kanina? Oh my goodness. Anong nangyayari saakin? Naramdaman ko na to dati eh. At bakit nararamdaman ko na naman ngayon?

Yung mga sinabi ko kanina sa kanya, hindi ko alam kung bakit pinagsisisihan ko. Hindi ko alam bakit inis na inis ako sa mga lumabas sa bibig ko.

Eh kasi naman eh, ang sakit nyang mag salita. Talkshit daw ako? Eh hindi ko naman alam na susunod pala talaga sya saakin. Hindi ko rin naman alam na sasakyan nya sinabi ko. Hiyang-hiya kasi ako sa mga pinagagagawa ko kanina nung mag sink in saakin yung mga pinagsasasabi ko sa harap nya at ng maraming tao. Mukha akong tanga. Tapos ano pa sinabi nya saakin kanina?

Hindi daw sya na informed na gusto ko daw ng maramihan? Pa hard to get pa daw ako kunwari? Eh kung sipain ko kaya sya? Nakaka inis. Porque nakita lang nya ako na ginugulo nung tatlong lalake na di ko naman kilala, ganon na agad naisip nya? Tsaka wait nga, bakit ba ang OA nya mag react? Bakit parang inis na inis sya kanina nung makita nya akong may makasamang lalake? Don't tell me nag seselos sya?!

" Ugh! Ano ba naman yang iniisip mo, Ashley. "-Napa facepalm nalang ako dahil sa pumasok sa isip ko. Seriously? Bakit naman sya mag seselos diba? Wala naman sya kasing dapat ikaselos---wait what? Anong pinaglalaban ko?

Napabuntong hininga nalang ulit ako at napasandal sa headboard ng kama ko. In-unlocked ko yung cellphone ko para malibang muna ako. Kung anu-ano pumapasok sa isip ko eh.

Dahil naka open pa naman ang Wi-Fi sa bahay, nakapag log in na agad ako sa facebook. Unang bumungad saakin ay isang shared ng kaklase ko. Napataas naman ang kaliwang kilay ko sa nabasa ko.

Psychology proven.

It only takes 4 minutes to fall in love.

What? 4 minutes? 4 minutes lang? Ano to joke? Maniniwala pa ako kung 4 months eh, pero 4 minutes? Seriously?

Nag react ako ng angry dahil for me, hindi totoo yun. Kahit ba psychology proven na eh, di yan totoo.

Puro scroll up and down lang pinagagagawa ko sa newsfeed ko hanggang sa napahinto ako nang may bigla akong naalala. Wala namang masama kung i-stalk ko si Sky diba? Tutal, puro scroll lang naman ginagawa ko, bakit hindi ako mang stalk? Wala namang masama.

So ni-type ko yung name nya sa Searching list at agad naman itong lumitaw. Ni click ko na profile nya at ayun, nag start na ako mang stalk sa timeline nya. Mukhang naka private ang iba nyang post dahil kokonti lang yung mga nakita ko. Sayang---ah wait, anong sayang pinagsasasabi ko?

Ni click ko yung profile picture nya at automatic na nanlaki ang mata ko dahil sa mga likes, comments and share ng profile picture nya. Wait, famous sya? Wow ah.

" Auto like naman ata. "-Bulong ko. Grabe naman kasi yung mga likes eh. Napaka dami. Yung likes nya sa profile nya, yun na yata ang bilang ng facebook friends ko.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TPATP : Sky the Jerk [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon