I

2 0 0
                                    

November 13 2xxx
BREAKING NEWS:

Five students from Bryxton High went missing.

Five Grade 10 students reportedly gone missing earlier this morning. According to their families, they can't contact nor find any traces where they could be. The police are doing investigation at the moment finding clues about the sudden disappearance.

Yan ang laman ng news ngayong umaga.

"Ano bang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Kung hindi nagbibisyo, bigla na lang mawawala." Sambit ni mama.

"Iba na talaga ang isip ng mga bata sa panahong ito. Kaya ikaw Clio mag-aral ka ng mabuti. Wag kang tumulad sa mga gaya nila." Sabi naman ni papa.

Sa dinami dami ba naman kasi ng school bakit galing pa sa school namin yung mga nawala?

---

"Saan kaya sila nagpunta?"

"Baka naman naglayas diba?"

"Imposible naman na sabay sabay silang nawala diba?"

"Baka nagtanan."

Ilan lamang yan sa mga bulong bulungan na maririnig mo sa campus. Lahat nagtatanong kung nasaan sila. Kahit isa walang nakaka alam.

Kahit ako clueless pa kung sino yung mga nawala. Tanging limang estudyante mula sa klase namin ang naglaho bigla.

Pagpasok pa lang sa loob ng classroom iba na ang aura ng lahat. Iisa lang ang tanong, Nasaan sila?

Pero ang mas nakakagulat, Ang limang estudyante na nawawala ay









































Ang mga top students ng Bryxton High.

Lyryc Sky Espinosa. The most outgoing but also the most obedient child. Sabi nila lahat daw ng sabihin ng magulang ni Lyryc ay sinusunod niya.

Damon Agustin. With his name malalaman mo na agad ang personality niya. He is the most friendly pero hindi magpapatalo especially in academic competition.

Adora Finn Liwanag. Kung gaano ka bright ang pangalan niya yun naman ang kabaliktaran ng ugali niya. Sabi nila tahimik at may pagka masungit si Adora kaya wala rin ito halos kaibigan.

Titus Zefi Diaz. Ang pinaka competitive sa lahat. Nakita mismo ng dalawang mata ko yung frustration niya with just a single mistake.

Rhett Maddox Villaruel. The mysterious guy and truly the smartest kid. Walang nakakaalam sa background niya maliban sa pagiging pinakamayamang estudyante sa Bryxton.

Napakalaking palaisipan kung bakit sila yung biglang nawala.

Kidnap for ransom ang suspetsya ng mga kapwa namin mag-aaral. Pero bakit sila? Planado ba ang pagdukot sakanila?

Sa buong araw na lumipas sila pa rin ang laman ng usapan ng bawat estudyante.

Daig pa nga nila ang mga detectives kung mag-isip ng mga posibilidad. Naglalabasan na rin ang mga soon to be Psychology majors.

Hanggang sa pagsapit ng uwian sila pa rin ang laman ng balita.

BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon