Dalawang araw mula ng nawala sila. Wala pa ring bago pero mas kakaunti na lang ang maririnig na bulungan ng mga pangalan nila.
Ang mga teachers naman ay nanatiling tahimik tungkol sa issue na kinakaharap ng school.
Naging normal naman ang takbo ng mga klase. May mga nagsasabi na baka kidnap daw talaga ang nangyari pero wala pa namang naibabalita na mayroong natanggap na tawag mula sa mga kidnappers.
Tahimik lamang akong kumakain sa cafeteria ng school. Lahat ng estudyante kasama ang kanikanilang kaibigan habang nagtatawanan na parang walang iniisip na problema.
Nagulat na lamang ako ng may isang estudyante na umupo sa harap ko.
"Clio Kalina Gonzales right?" Tanong niya at tumango naman ako. "The last top student standing."
"Wala ka naman sigurong kinalaman sa pagkawala nila diba?" Nagulat ako sa tanong niya kaya agad akong umiling.
"Sabagay wala naman sa itsura mo ang gagawa nun maliban na lang kung ikaw si RM."
"By the way I'm Claire Dela Rosa from the other section. Wag ka ng magtanong kung paano kita nakilala dahil halos araw-araw mukha niyo ang nakikita namin sa bawat sulok ng school for your recognitions." Saad niya.
"Wala nga akong alam kung nasaan sila kaya anong kinalaman ko diyan?" Tanong ko sakanya.
"Matalino ka Clio kaya gamitin mo minsan yang utak mo sa ibang bagay. Maraming possibilities."
"Sa sobrang dami ng possibilities kahit pulis walang maibigay na conclusion." Sagot ko sakanya.
*Kringgggggg*
Kanya kanyang tayo ang mga estudyante at nagmamadaling pumasok sa kanilang klase.
"See you tomorrow Clio!" Narinig kong sigaw ni Claire.
Sinabi sa amin ng adviser na moved ang midterms namin and bukas na ang simula. Lahat ay halos hindi magkandarapang umuwi para mag-aral dahil everyone is aiming for the top. Mas naging eager ang lahat dahil wala ang mga top students.
Kailangan ko ring mag-aral na puspusan dahil yun ang gusto ng mga magulang ko. It's their choice and will never be mine.
Sabi nila sa akin na napakalaking opportunity raw ang matatanggap in the end. Yun naman ang nagma matter diba?
