Ipinagpatuloy namin ni Naila ang pagkain, kaagad naman bumalik si Jd pero wala na si Dhara.
Naisip ko lang bakit niya kaya nasabi na kelan pa 'ko bumait kay naila, Bad mommy kaya 'yon farrah na 'yon?
Natapos kami kumain nagyaya naman nang mall si naila na pinagbigyan ni jd.
"Tulala ka d'yan alam 'kong gwapo ako."Psh! Ang yabang nang kapreng 'to!
"Psh! Yabang."Lumapit siya sakin at inakbayan ako, Aist! Ang dami kayang tao. Busy naman yung anak niya sa kapipili nang laruan.
"Totoo naman, Love, diba?"Nagpa-cute pa. Bagay naman. Awe nilalandi ako nang kapreng 'to. Enebe!
"Waaaaah! Mommy and Daddy so sweet!"tili ni naila. Kung ano-ano pa ang binili nang mag-ama at dinamay pa 'ko
Ang dami kong bagong damit. Ayos, ah! Malaki na'ng sahod, may freebies pa. Napagod siguro si Naila at nakatulog na.
Buhat buhat siya na'ng tatay niya. Pabalik na kami sa parking lot nang may mga babaeng nakatitig sa 'min. Ay kay Jd pala.
"Ang gwapo sayang taken na,"Malanding sabi nang isa. Pinagnanasaan nila si Jd! Aba kung dukutin ko kaya ang mga mata nila.
"Let's go, Love! Wag ka na'ng sumimangot mas maganda ka naman sa ka 'nila." Sheeeems! Kinilig ako dun ah.
"Pinagsasabi mo ha!?" Napalakas kong sabi.
"Shh, baka magising ang baby na 'tin!" Sabay ayos nang seatbelt ko, kalong kona kasi si Naila. Kanina pa 'tong kapreng 'to!
Ngayon naman "baby natin." Sana ako nalang talaga ang ina nang batang 'to at ang asawa niya... Ano ba 'tong pinagiisip ko?
Inaakyat kona si Naila sa kwarto namin at binihisan. Ako naman ang nag half-bath matapos kong ayusin ang pinamili namin.
Hindi kasi ako sanay matulog nang 'di nagbabasa nang katawan. Pagkatapos ko, Lumabas ako nang naka-tapis lang. Pa kanta-kanta pa 'ko ng... Si Jd
Bakit andito siya? Lumapit siya sa 'kin hinigpitan ko nalang ang kapit sa buhol ng towel sa may dibdib 'ko.
Bakit ba kasi hindi ko na-lock ang pinto? Ang lapit nanaman nang mukha niya. Sheeeeeet! Bakit ang bago niya, e ako 'tong bagong half-bath? He held my chin tapos hinalikan niya ako.
"Goodnight, love!"At umalis na siya iniwan niya akong tulaley.
Ang bilis nang tibok ng puso ko. Hindi! Hindi pwede! Bawal akong ma-inlove sakanya. Rule #6.
Nahiga nalang ako sa tabi ni Naila Pagkatapos kong magbihis nang pantulog.
"Mommy."Gumalaw siya at niyakap ako. Sana nga ako nalang ang mommy ni'ya.
Kinabukasan, masaya kaming nagtataguan ni Naila sa may garden nila ng lumapit si Jd. May mga kasama siya.
"Baby, Grandpa and Grandma's here!"Tawag niya kay Naila.
Patakbo namang lumapit sa dalawang matanda si Naila at humalik sa mga pisngi ng mga ito.
"Look at you, apo. You look so happy. Did you miss lola and lolo?"Tanong nang mama yata ni Jd sa bata.
"Yes, lola, I miss you both. I'm happy, Lola, because mommy's back!"at hinila niya ako palapit sakanila.
"Goodmorning po!"sabi ko.
BINABASA MO ANG
INSTANT MOMMY AKO? (ON GOING)
RandomInstant coffee? Instant Noodles? Ano pabang instant na alam ko? Paano kung isang araw nag-grocery lang ako mommy na pala Ako? "Mommy! Mommy!" Hinihila niya pa ang laylayan nang damit ko. "I'm sorry baby, but I'm not your Mommy!" "No, your My mommy...