Family day ngayon sa school ni Naila at excited much sya dahil first time ko daw aattend.
Papakilala nya daw ako sa mga kaklase niya, usually kasi nasa kotse lang ako kapag hinahatid ko si Naila.
May mga lumapit sa ‘ming mga bata habang naghihintay ng mga activities nila.
“Siya ba ang mommy mo, Naila?” tanong ‘ng isang bata.
“Yes! Siya ang mommy ko. I told you I have my mom.” Pagmamalaking sabi pa nito.
Kaya pala ganun na lang siya mamilit na ihatid ‘ko daw siya hanggang classroom nila, eh bawal naman.
“Ang ganda naman ng mom mo.” Ayos ah? Mukang magkaka-sundo kami ng batang to.
“Talaga! At magkamuka kami, ‘di ba, Mommy?” baling sa ‘kin. ni Naila
“Of course, baby ko.” At inayos ko yung ponytail niya.
“Hello po! I’m Ariel classmate po kami ni Naila, and this is Ashanti, Joana, and Eunice.” pakilala pa niya sa mga classmate nila.
Isa isa ‘ko naman silang nilapitan. “Hello kids, I’m Tita Marliah, mommy ni Naila.” sabay ngiti ‘ko sa mga bata.
“But mom! Your name is Farrah!” Ay patay! Ano ba yung sinabi ko?
“Baby, your Mommy's name is Marliah Farrah. They can call her Tita Marliah or Tita Farrah.” Whew. Mabuti na lang mabilis makaisip ng palusot ‘tong si Kapreng Jd!
“Tita Marliah sounds better!” Sabat naman ni Ariel. Yeah right! Mas maganda pa din ang name ko.
Nag-umpisa na ang ibat-ibang activities, may mga parlor games at syempre maraming pa premyo. Halos nakalahati na nga namin yung mga napanalunan namin, kaya naman itong si Naila abot langit ang saya.
Kainis lang na yung ibang mga nanay at teacher, eh panay titig dito sa kunwaring asawa ko.
May isa pa ngang lantaran kung lumandi. ‘Tong JD naman na to parang tuwang tuwa pa.
Masundan na nga lang si Naila, kanina pa yon sa CR ah! Ayaw naman kasi magpasama. At nag-init ang ulo ‘ko sa naabutan kong eksena.
Si Naila, pinapalo ng isang babaeng mukhang espasol sa puti ng mukha.
“Hoy! Babae ka! Bakit mo sinasaktan ang anak ko?” Lumapit ako sa kanila, at binuhat si Naila na iyak ng iyak.
“Pagsabihan mo ‘yang anak mong maldita. Inaway yung anak ko!” At dinuro niya si Naila, takot na takot naman yung bata.
“No, Mommy! Si Athena naman ang nauna. Hinila nya ang buhok ko kaya naitulak ko siya,” Humihikbing sumbong ni Naila.
“Naku! Sinungaling kang bata ka! Nakita kong tinulak mo ang anak ko.” Adik ‘tong babaeng ‘to. Masasapok ko na ‘to. Binaba ko si Naila. Nagtago naman ‘to sa likod ko.
“Misis. Unang-una, hindi maldita ang anak ko. Pangalawa, hindi siya sinungaling. Narinig mo naman, kaya niya naitulak yung anak mo dahil hinila nito ang buhok niya. Pangatlo, hindi mo siya dapat sinaktan kung may kasalanan man siya. At pang-apat, hindi ako bingi pwede bang ‘wag kang sigaw ng sigaw. Buti sana kung mabango ‘yong hininga mo!”
“Anong sabi mo?” Nang gagalaiti niyang tanong.
Akmang sasampalin niya ako pero naharang ‘ko ang kamay niya.
“Sigurado ka ba, bes, na gusto mong ipatama ‘yang kamay mo sa mukha ko? Dahil hindi mo magugustuhan kapag nasaktan ako.” Tapos nagsidatingan ‘yong ibang mga nanay at guro pati na rin si JD.
BINABASA MO ANG
INSTANT MOMMY AKO? (ON GOING)
RandomInstant coffee? Instant Noodles? Ano pabang instant na alam ko? Paano kung isang araw nag-grocery lang ako mommy na pala Ako? "Mommy! Mommy!" Hinihila niya pa ang laylayan nang damit ko. "I'm sorry baby, but I'm not your Mommy!" "No, your My mommy...