Ngayon may ideya na ako sa mommy ni Naila. Kung mag-kamukha kami, ibig sabihin mala-model din ang dating ko?
Katuwa naman, may naiisip na akong work if ever. Pero pano niya kaya naatim iwan ang kanyang mag-ama?
Jd's handsome. Gorgeous, rather, at napaka bait na ama. May pagka-bossy lang minsan but he can be extra sweet. And Naila, she's a wonderful kid, napaka-sweet, mabait, cutie and bubbly.
Poor Farrah! She doesn't know the value of family and real happiness.
Naka-harap ako sa laptop ni Naila. Sosyal na bata may laptop samantalang ako 23 na walang laptop.
I opened my Facebook account. Almost a month na din akong hindi nakapag-net at ang dami ‘ko nang notification at messages, mostly galing sa mga kaibigan ko. Bakit daw hindi na ako nagpaparamdam, kung buhay pa daw ba ako? Baka daw kinain na ako nang lamang lupa.
Nakakaloka di‘ba. Tapos si Lorie ann nag chat, isa sa mga close friend ko.
Lorie Ann: Anyareh Marliah Eerah!? saang lupalop ka nagsuot?
Marliah Eerah: Hehehehe. I miss you loreng! Namundok lang, sumama sa mga mangyan.
Biro ko pa sa kaibigan.
Lorie Ann: Adik naba u!? Ano namang ginawa mo don?
Teh. Naniwala!? Ghaaad.
Marliah Eerah: Charot lang beshie! Naghanap nang bagong trabaho.
Lorie Ann: Ano naman?
Napaka-dami namang tanong nang babaeng ‘to!
Marliah Eerah: Yaya besh! Ay hindi! Instant Mommy ng isang bata,
Parang yaya din naman pala ako.
Lorie Ann: Whuaaaaattttt?! Tanga kaba? Cumlaude ka tapos pumayag kang maging yaya o nanay ng isang bata?!
Kung nasa harapan ‘ko lang si Lokreng dine siguro 'di na maipinta ang itsura nito!
Marliah Eerah: Hep hep! Chill ‘ka lang besh, malaki ang sahod. At take note besh! Hot ang papa lakas maka papable eh.
Lorie Ann: Tindi mo Eerah, willing maging yaya dahil gwapo ang tatay?
Marliah Eerah: Hindi 'no, malaki sahod nga.
Deny pa ako eh. Basang basa nanaman ako nitong si lokreng.
Lorie Ann: Don't me besh! Sabihin mo yung gwapong tatay kamo.
Errr. Slight lang naman mga teh!
Marliah Eerah: Uy grabeeeh ka! May anak at asawa na yong tao, dahil din sa bata, napagkamalan kasi akong mommy nya magkamukha daw kasi kami.
BINABASA MO ANG
INSTANT MOMMY AKO? (ON GOING)
RandomInstant coffee? Instant Noodles? Ano pabang instant na alam ko? Paano kung isang araw nag-grocery lang ako mommy na pala Ako? "Mommy! Mommy!" Hinihila niya pa ang laylayan nang damit ko. "I'm sorry baby, but I'm not your Mommy!" "No, your My mommy...