CHAPTER 8

3K 89 54
                                    

TAO
Nasa may bar kami ngayon nag iinom kasama ko yung dalawa. Galit pa rin sila kay Twaylem. Sa totoo lang, hindi ko rin alam anong nangyare sa dalawa.

"Pare,kung hindi kana masaya. Palitan mo! Napaka nagger naman nung Twaylem na 'yon. Hindi ka ba napapagod sa bunganga non?"siryosong sabi ni Kyd.

May mga dumadaang babae sa harapan namin. Pero parang kahit ang gaganda ng mga postura nila si Twaylem pa rin naiisip ko.

"Anong oras ba darating sina Annaliza?? May kasama ba siya??" Excited na sabi ni Lay.

"Basta otw na iyong mga yon."

"Nakapag reserve na kami ng room Tao. Alam niyo na ang gagawin." Tuwang tuwang sabi ni Kyd. "Gago ka ba?" Siryosong sabi ko.

"Oo! Nang matuwa tuwa ka naman. Alam kong stress ka these past few days kaya.. enjoy men!" Nakipag toast ito sa akin at uminom kami ng whisky.

"Pero maiba tayo.. kinakausap mo pa ba sina Donald?" Tanong ni Lay. "Wala na akong paki sa mga iyon. Sumama sila kay Twaylem. Mga sunod sunuran. Mga tanga." Tuwang sabi ni Kyd habang nag yo-yosi.

Tahimik lang ako. Dahil sa totoo lang,mukha lang akong nag eenjoy pero magulo ang takbo ngayon ng utak ko.

Pero sa tuwing naiisip ko si Annalisa,nakakaramdam ako ng tuwa sa puso ko.

"Basta pare,huwag kana bumalik kay Twaylem. Mas hot si Annalisa. Kita mo naman diba pare?? Si Twaylem wala kang mapapala doon."

Napangiti ako sa sinabi ni Kyd. Sigueo nga kaikanhan ko na din kalimutan si Twaylem.. hindi na rin ako masaya sa kanya so ano pang point ng relationship naming dalawa.

Nang nasa hotel na kami..

"Hey.." bumungad sa akin si Annalisa. She was wearing an off-shoulder black dress. Naka ayos ito..

"Hey.." humalik ito sa pisngi ko.

"Sorry.." alangan sabi nito sa akin.

"Oh? Kayo na bahala ha? Basta ninong kami." Tinulak ako ni Kyd at kinulong nila kaming dalawa.

Inaamin ko medyo lasing na ako. Pero sinusubukan kong layuan si Annalisa.

Pero lumalapit ito sa akin.. "Isang gabi lang naman 'to."

Hinalikan niya ako.. pero.. napansin kong hanggang ngayon suot suot ko pa rin ang engagement ring namin ni Twaylem.

"Annalisa.." hindi ito tumigil sa pag halik sa akin. Kaya naman tinulak ko na ito. "Mali itong ginagawa natin."

She's trying to remove her dress pero isinuot ko sa kanya ang coat ko. "Huwag. Mag ka respeto ka namn sa sarili mo."

Unti-unti akong nakakaramdam ng guilt. Habang hinahalikan niya ako, si Twaylem ang naiisip ko.

"Kahit na parang ikaw ang pinili ko, we cannot erase the fact na engage pa rin ako sa kanya."

Nag simula itong mag iiyak.

"Akala ko ba.. mahal mo na ako? Pero bakit naiisip mo pa rin siya? Hindi pa ba ako sapat?" Sinusubukan niya pa rin ako.. "Please, I am begging you. Huwag."

Ano ba tong nangyayare sa akin? Hindi maalis sa isipan ko si Twaylem.

"I am sorry, pero I have to go." Iniwanan ko si Annalisa at pinuntahan ko ka aagad si Twaylem.

Nang nasa tapat na ako ng bahay namin mabilis akong tumakbo papasok ng bahay namin. Nakita ko ito, nakahiga. Tulog. Pugto ang mga mata. Yakap yakap yung mga damit na sinuot ko nung mga nakaraang araw pa.

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon