CHAPTER 13

3.7K 121 26
                                    


TAO YOSHIDA
Tinawagan kaming lahat ni Donald. 1am 'yun at pinapunta sa airport. Hindi ko alam anong meron at pinapunta niya kaming lahat sa airport. Alam nila Kyd ang nangyare sa amin ni Twaylem.

Wala itong kibo. Dahil alam niya may kasalanan din ito. Hindi nya rin alam kung saan nang gagaling ang inis niya ky Twaylem.

Kumpleto ang L.A gang. Pero, walang nag iimikan sa aming lahat. Dahil alam ko lhat sila galit pa rin.

"Pwede ba, mamaya na kayo mag away away. Pigilan natin si Twaylem." Pag papanic n Donald.

"Anong.. meron?" Tanong ni Riyee.

"She's leaving."

Saktong pagkababa namin at nang aktong papasok kami sa loob ng airport.. Maya maya si Twaylem naman ang dumating. Nagulat ito nang bigla kaming humarang sa kanya.

"Bawal umalis." Sabi ni Donald. "Please huwag kana umalis." Dagdag pa ni Danger.

"Nandito na si Tao oh." Kahit na naka saklay ako pinalapit nila ako kay Twaylem.

"Nakipag hiwalay na ako. Sana irespeto niyo na lang. Pwedeng tumabi naman kayo? Ayokong malate sa flight ko." Tinignan ko ito sa mata. Pero wala na yung Twaylem na mahal na mahal ako.

"Twaylem, please. Hear me out." Natigilan kita sa pag lalakad. "Nakapag usap na tayo. I waited for you. Hinintay kita ng matagal. Now,.."

Humarap ito sa akin.

"Wala na rin point kung papakinggan kita. Para ano pa? Look, break na tayo. So please, leave me alone." Ramdam ko ang galit. Ramdam ko ang sakit.

"Please Twaylem.. huwag ka  na umalis." Natawa ito sa sinabi ko. "Ang funny no? Ikaw yung may gusto na mag hiwalay tayo. Ngayon, binibigay ko lang yung gusto mo." Tumahimik ako dahil alam kong tama naman lahat ng sinabi niya.

"Bigyan mo muna ako ng rason bakit ka aalis." Napailing na lang ito sa tanong ko.

"Bakit? Nung ikaw ba ang umalis binigay mo ba yung rason bakit mo ako iniwanan? Hindi 'diba?" Kinuha na nito ang back pack niya.

"Kuya, Let's go na po. Mag chi-check in na ako." Sabi nito sa kanyang driver.

"I am sorry,Twaylem. Please, mag babago na ako." Huminga ito ng malalim bago nag salita.

"I am sorry, but I don't wanna see you again." Nag lakad na ito papalayo sa amin. Pero sinubukan ko pa rin itong habulin.

"Twaylem.. please.. huwag kang umalis nag sisisi na ako. TWAYLEM!!!" Pinigilan ako nina Kyd at Danger. "Bitwan niyo ako.. BITIWAN NIYO AKO!!!!"

Linapitan ako ni Shin. "Shin.. tulungan mo ako."

Sinapak ako ni Shin para tumahimik ako. "Kasalanan mo kung bakit siya umalis. Kasalanan mo kung bakit siya lalayo. Gago ka rin kasi." Umawat si Donald.

"Huyy huwag na tayo mag away away. Kalma lang tayo." Sabi ni Donald.

"Ano bang alam mo?" Tanong ko. "Ang alam ko? Mahal na mahal ka nung tao. Ilang beses mo ba siyang pinaiyak? Ilang beses mo siyang sinaktan? Ilang beses mo siya iniwan?"

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon