CHAPTER 11

3.6K 112 48
                                    

TWAYLEM
"I hate the smell of the hospital." Bumungad sa akin si Donald. May dala itong mga prutas. Nakangiti ito sa akin. Pero bakas sa mukha nito na, katatapos niya lang umiyak.

Hinanap ng mata ko si Tao. Pero wala siya.

"Kamusta??" Masayang bati sa akin ni Danger. Nakita ko si Sue na nasa isang tabi. Nakayuko. At nag pipigil ng luha.

"Donald, pwede mo ba muna kaming iwang tatlo?? Ava?" Mabilis na tumayo ang dalawa at lumabas na.

"Sue.." sinusubukan kong umupo pero hindi ko pa kaya. Kahit na mangiyak-ngiyak ito.. linapitan niya ako. "I am sorry."

Napatingin ito sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko, "You dont have to feel sorry, okay lang 'yun."

"Sorry kasi nasira ko yung relationship niyo. Hindi naman kailangan mag paraya ni Danger. Masaya siya sayo, Sue. Mahal ka ni Danger."

Nag pahid ng luha si Sue. "Alam ko.. alam ko yun. Pero we cannot deny it Twaylem,mas mahal ka niya kesa sa akin."

Naiyak ako ng sabihin yun ni Sue. "I may be blind, pero hindi ako manhid. Sometimes I am trying to be you para magustuhan niya ako. Pero, wala.. pag ikaw na yung topic??"

Sunod sunod ang pag patak ng mga luha ni Sue.. "nag iiba yung ngiti niya. Ganon na ganon yung mga tingin sayo ni Tao noon. Noong piliin ka niya kesa sa akin."

"Hindi ko magawang magalit sayo. Kasi ano pa bang sense kung magagalit ako sayo?? Yun naman yung totoo. Siguro.." tumingin ito kay Danger,

"Hindi mo naman talaga ako mahal. Sinasabi mo lang yun kasi.. kailangan lang." Doon na humagulgol si Sue.

"Akala ko pag nag bago ako matatanggap nila ako. I tried to fit in. Baguhin yung way of thinking ko.. yung pagiging judgemental ko." Doon na niyakap ni Danger si Sue.

"Oo, importante si Twaylem pero Sue. I am choosing you."

Sana ganon din si Tao,ako palagi yung piliin niya.

Mayamaya pa'y inilabas na ni Danger yung box nung singsing. "Actually, may plinano akong party. Pero..."

"Sue, will you marry me?" Tumingin sa akin si Sue. "Paano si.."

"Sue, okay lang ako. Go ahead!" Doon ko na tinawag sina Donald. Ivinideo nila yung proposal ni Danger kay Sue.

After nun, nag stay sila sa room ko muna. Nag celebrate din sila sa loob ng room ko. Nang akala namin okay na ang lahat..

Hingal kabayong pumasok si Danita sa ward ko.

"Kumalma ka gurl..." linapitan ni Donald si Danita at inabutan niya ito ng tubig. "Pero... kasi.. nandito si Twaylem."

Tumingin silang lahat sa akin. "Ano ba 'yon?"tanong ko.

"Na aksidente si Tao." Tama ba ang narinig ko??

"Paano? Anong nangyare?" Kalmadong tanong ni Danger. "Bumanga yung sasakyan niya sa puno. Hindi ko nga maintindihan kung anong pumasok sa isip niya."

"Is he stupid? Bumangga?? Sinadya niya??"

Bumababa ako sa hospital bed ko.. kahit nanlalambot ako. Kailangan ko siyang makita.

"Buhay pa ba siya??" Inilalayan ako ni Donald at Danger hanggang maka upo ako sa wheel chair. "Nag papahinga siya ngayon. Pero wala naman masyadong damage sa kanya. Matigas talaga katawan ni Yoshida." Pag sesecure ni Danita.

"Kailan pa ba ako nandito??" Tanong ko kay Donald. "Tatlong araw. Tatlong araw ka ng tulog."

"Actually, nung araw na na-admit ka sa hospital.. mga later that night si Tao naman isinugod sa hospital. And kahapon sa pag kakaalam ko. May malay na siya."

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon