CHAPTER 16

4.3K 123 59
                                    

TWAYLEM
"Loka loka ka talaga! Basta Fifi ha?? Darating ka?" Nag aayos ako ng maleta nang tumawag si Donald sa akin. Plano niya na kasi mag propose kay Ava.

"Fifi.. salamat." Natawa ako nang bigla itong mag siryoso. "Gaga ka ba? 2 taon lang tao hindi nag kita tapos naging ganyan kana."

"Ehh gusto ko lang mag pasalamat e. Basta mahal na mahal ko kayo. Sana ma kumpleto naman tayo. Baka naman humupa na ang mga galit ng mga tao."

"Hindi ko alam. Pero kung di sila dumating hayaan mo na. Atleast nandito naman ako. Hindi ka ba napapagod na kompletuhin kami??" Narinig ko itong tumawa.

"Hindi. Parte kayo ng buhay ko e. Tsaka hindi naman siguro away yung nangyare sa barkadahan na to. What we had is.. misunderstanding. Pero alam mo Twyalem? Masaya ako naging kaibigan kita."

"Para namang ma-mamaaalam ka! Tumigil ka nga diyan Donald! At baka hindi ako makapag pigil." Narinig ko itong tumawa.

"I love you Twaylem. Ikaw yung pinaka best sa lahat."

"Mahal paano naman ako??"narinig ko si Ava na nag rereklamo. "Ahh, pang 1.2 ka lang. Ano ba Avaaaa!!ayan ka na naman."

"Basta Donald ha? Hintayin mo ako."

"Oo naman! Hintayin kita dito. Mag papahinga na din muna ako. See you, soon. FIFI."

Nang ibaba ni Donald ang telepono. Nag madali na akong tapusin ang pag iimpake. Dahil susupresahin ko ito. Ngayong gabi na din kasi ang flight ko. Ang alam niya next week pa ang uwi ako.

To be honest,hindi pa rin ako sigurado kung magiging maayos ang pag uwi ko. Pero one thing for sure naka move on na ako kay Tao.

Bago ko tuluyang isara ang maleta ko.. tumingin ako sa salamin. At pinagmasdan ang reflection sa salamin.

"You'll be fine. You're much stronger now.. I am proud of you self."

It's time to go home now.. Twaylem.

****

Nang nasa eroplano na ako. Hindi ako mapakali. Para bang may mabigat sa dibdib ko. I end up panicking. Nag iiyak ako nang hindi ko maintindihan.

I know there is something off. Yung kaba ko hindi mawala. I took some anti-depressants. Baka sinusumpong na naman ako ng anxiety ko.

Sinubukan kong matulog.. para mabawasan ang bigat dito sa dibdib ko.

Ano ba 'to? Kinakabahan ba ako na makita sila ulit?? Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.

Few hours later.. nakadating na ako ng Pinas. 10pm nang maka-uwi ako sa condo. Hindi pa rin ako mapakali. Tinawagan ko si Danita.

"Danita? I dont know.. pero, bakit ganito? Ang bigat bigat na naman dito sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung ano 'to." Wala na akong maintindihan sa sinasabi ko dahil all I know is.. ang sakit sakit at hindi ako makahinga.

"Uhmm.. I'm not sure if sasabihin ko ba." Doon pa lang kinabahan na ako lalo.

"Twaylem.. huwag kang mabibigla."

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon