Chapter 13

8 1 0
                                    

Nyx' POV

"Tama na. Huminahon ka Blaze." at unti-unting nawala ang apoy sa katawan nito at sa kanyang mga mata.

"Tigilan mo na." sabi ko at unti-unti siyang nanghina, dahil bumibigat ang katawan niya. Ramdam ko ito sa mga bisig ko.

"Nyx." ang tanging nasabi niya at bigla siyang nawalan ng malay. Inakay namin siyang papuntang house. Ihiniga ko siya sa sofa at binantayan.

"Anong bang nangyari?!" tanong ni Garnet kay Chantelle at Nephyr.

"Garnet, simula nung bumalik kami dito galing sa Nightcrawl, hindi na nagkasundo, at hindi na nagpansinan yang dalawang yan! I didn't even know why!" frustrate na sabi ni Chantelle.

"Ano bang nangyayari sa inyo ha?" tanong ni Garnet ulit.

"Guys, mamaya nyo na sila tanungin, we should take a rest muna, pagkagising na lang ni Blaze. Pagod na rin tayo Garnet, kaya mamaya na lang, palipasin na muna natin toh. Baka simpleng alitan lang ito na kayang gawan ng paraan." sabi ko at umalis si Nephyr at pumunta ng kwarto nya ganon din si Garnet, naiwan kaming tatlo ni Chantelle at Blaze na kasalukuyang natutulog sa sofa.

"Telle, ano bang nangyari?" mahinahon kong tanong sa kanya.

"Ah, ewan ko nga eh. Masyadong naging komplikado pagbalik namin dito galing sa Nightcrawl. I don't what happened between them. As in, pagkabalik na pagkabalik namin dito sa house, they start avoiding each other." sabi ni Chantelle pero parang may tinatago pa sya? or baka imagination ko lang, or baka talagang ganyan sya kapag frustrated. Anyways, pinaniwalaan ko na lang.

"hays, Blaze ano bang nangyari sa inyo?" 

"Nyx, magpapahinga na muna ako ha? 1 oras pa naman bago maglunch. Okay ka lang ba dyan?" tanong ni Chantelle, at tumango naman ako. 

"Sige, babantayan ko muna itong mainitin ang ulo dito." at tumawa naman siya at pumasok na sa kwarto niya.

Hinintay kong magising itong si Blaze. Napunasan ko na nga siya eh, half body lang. Oo, half body, at yes, putek he has abs! HAHAHA anlande! I tried to read his mind, maaaring may mabasa ako kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon.


'Mommy, please, help me. Don't go away. Wag nyo akong iwan, please. Hindi ko kaya. Mommy, please. I'm begging you, wag kang mamatay please. Mommy. Mommy!!!'

'Dad! I am your son!!! Pero mas paniniwalaan mo yang lalaking yan?! Hindi ko pinatay si Mom!!'

'I love you---'

"Nyx, please don't leave me." nagulat ako sa mga nalaman ko, at mas nagulat ako ng nagsalita si Blaze.

"Blaze." tawag ko sa kanya.

"Oh sht.!" sabi nya at napabalikwas sya ng bangon kaya naman muntik na akong mahulog pero nasalo niya ako.

"Sorry." sabi niya at napakamot pa ng batok. At naging tahimik ang paligid, tila ibang Blaze ang kaharap ko ngayon, iba yung aura niya. Ganito ba nagagawa ng galit at stressed sa kanya?

"Narinig mo ba yung sinabi ko?" tanong niya.

"Sinong di makakarinig? Plus nandito lang ako sa tabi mo oh." sabi ko sa kanya in an 'isn't-it-obvious' tone.

At napamura siya ng mahina. Naging cold na naman ang aura niya, anong problema nito?

Umalis siya sa sofa, at pumunta ng kwarto niya. Si Nephyr naman ay saktong lumabas at nagkasalubong sila, may namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa, at agad akong pumagitna at saka sila kinompronta.

"Kayo nga, magsabi nga kayo kung anong problema niyong dalawa?" sabi ko at nag-iwas tingin si Nephyr, while Blaze give me that cold stare and unti-unti siyang lumapit at umatras ako. 

"Why do you care, Ms. Nyx Evarine Moonclaw?" he asked with my full name! Kaimbyerna!

"I-I c-care because you are my housemates! Ano pa bang dapat na dahilan? Maapektuhan kami ng pag-aaway nyo ni Nephyr!" sabi ko kahit nagstutter ako push!

"Bakit? Bakit kailangan mong maging ganito, Nyx?" he said out of nowhere.

"Blaze, stop this! This is too much! Sa harap ko pa ha?! Ganon ka na ba kamanhid Blaze?!" sigaw ni Nephyr.

"Ano?! Ako pa ngayon?! Sinong nagpasimula nito, hindi ba ikaw?" sagot naman ni Blaze.

"Teka!! Ano bang nangyayari ha?! Sabihin niyo ng sa akin?! Hindi ko na kayo maintindihan! Hindi ko alam kung saan nanggagaling yang mga pinagsasasabi nyo!" sigaw ko sa kanila!

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya, Nephyr? Ha? Bakit hindi mo aminin sa kanya yung tungkol sa bracelet? Bakit hindi mo aminin?" sabi ni Blaze, at natigilan si Blaze. 

"Anong nangyayari sa inyo, Blaze at Nephyr?" at nanghihina ako, para akong mauubusan ng hangin. "Magsabi na kayo, nakikiusap ako..."

\\ To be continued...\\


Author's Note:

I apologize if this is a short update, and its kinda lame... Babawi ako sa susunod na chap!


Trefonia Academy: School of all MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon