Hinihintay kong magsalita ang dalawang lalaki sa harap ko...
"Ano yun, Nephyr?" tanong ko kay Nephyr, total siya ang tinuturo ni Blaze.
"Nyx, ako yung..."
"Yung?"
"Yung nagbigay ng bracelet sayo..." at naalala ko ang bracelet na may naka engrave na 'Evarine'.
"And, Nyx, I like you." goodness! ano ba ito?! nakakaloka!
"I know, Nephyr. Di ba last time nung nag truth or dare tayo sinabi mo ng may gusto ka?" pagkaklaro ko sa kanya, at napatungo na lang siya. Hinarap ko si Blaze na tila ayaw magsalita.
"Ikaw, ano na naman, kung siya yung nagbigay ng bracelet, ano naman kung gusto niya ako, bakit ka nagagalit ng ganyan? May mali ba siyang nagawa sayo? Bakit niyong mag-away ng ganito? Pati ang school ay dinamay niyo pa. Ito ba yung pinag-aawayan niyo? Kung ito, gusto niyo bang lumayo ako? Kaya kong gawin yun para magkaayos kayong dalawa." sabi ko sa kanila at wala ni isa sa kanila ang nagsalita. "Wala sa mga ito ang hinangad ko ng makilala ko kayo at ng mapadpad ako dito sa mundong ito."
"Sorry, Nyx." sabi ni Nephyr.
"Wag ka sa akin magsorry, say sorry to each other. I want you to be okay, ayoko ng may nag-aaway-away sa atin." sabi ko at humarap sila sa isa't isa.
"Sorry." sabi ni Nephyr and Blaze just look at Nephyr's hand.
"Blaze." I said with a warning tone, at agad tinanggap ni Blaze ang kamay ni Nephyr.
"Sorry." sabi ni Blaze and inalis nya na ang kamay niya at pumasok ng kwarto niya. Hayys.
"I hope magkaayos na kayo ni Blaze." sabi ko at tumango naman siya. "Sige magpapahinga na muna ako."
Pumasok ako sa kwarto ko, ngayon na lang ulit ako nakapasok sa kwartong ito, simula ng dumating kami.
Nagpalit agad ako ng damit, at humiga sa kama ko. Naalala ko na naman yung nabasa ko sa isip ni Blaze, masyadong mahirap basahin ang isip niya, it is just he's sleeping that time kaya nabasa ko ang ibang bagay na tumatakbo sa isip niya. Masyadong sarado at nakakandado sa isip niya ang mga bagay na tumatakbo sa utak niya. Pero ang nakakapagtaka, bakit niya binanggit ang pangalan ko kanina? Anong kinalaman ko sa mama niya? Anong ginagawa ko sa isip niya?
"Aish! Nyx, don't think about it!" sabi ko sa sarili ko.
Di ko namalayang nakatulog na pala ako...
Nagising ako sa isang malakas na sigaw ni Chantelle, as in yung abot hanggang sa kabilang barangay, kaya agad akong lumabas at Nakita ko silang nakabihis.
"Saan kayo pupunta?" tanong ko sa kanila.
"Ay gising ka na pala, gigisingin na dapat kita. Pupunta na kami sa bayan, dumating na kasi ang allowance natin, hawak ko na. Kaya bibili na tayo ng gamit sa school." at naalala ko ilang linggo na lang magsisimula na ang Grand Welcome at Grand Dinner at si Headmistress ang mangunguna sa celebration na yon.
"Oh sige, magbibihis na ako." sabi ko at pumasok sa kwarto. Nagbihis ako at nag-ayos ng mga gamit. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Ngayon ko lang napagtanto na malapit ko ng maranasan ang totoong pagsubok dito sa mundong ito. Ano na kayang mangyayari sa akin? hays. Bahala na.
"Nyx, okay ka na ba? Tara na. Magbubukas na yung shop." sabi ni Garnet at lumabas na ako ng kwarto.
Maayos kaming nakalabas sa premises ng academy, nagpunta kami sa isang bayan kung saan maraming tao, malamang may bayan bang walang tao? Tss. Madaming tindahan para bang tiangge pero kakaiba yung mga tinitinda nila, may mga potion, yung iba akala mo simple at ordinaryong libro lang pero pag binuksan may mga lalabas na maliliit na tao yung parang sa mga pelikula, para bang genie. Tapos may mga magic wands, like sa Harry Potter, so para nga akong nasa Diagon Alley eh.
BINABASA MO ANG
Trefonia Academy: School of all Magics
FantasyNyx Evarine Moonclaw, 18. Kakatapos ko lang grumaduate. Pero ano ito? Nagulat sa narinig na usapan ng kaniyang ama at lola. Anong powers? Anong magic? Anong magical academy? Ano ito?! She will face a new world, where she truly belongs... Trefonia Ac...