The First Magical Day at Trefonia Academy...
Maagang nagising ang ating mga bida, maliban kay Nyx. They're practicing for the performance later. Pero sa kanilang mga kakayahan ay mukhang di na nila kailangan pang mag-ensayo.
Pumatak ang ika-4:00 ng umaga at nagising si Nyx, binati nya ang kanyang mga kasama. 6:00 ay kailangan na nilang umalis sapagkat kakain na ng almusal, at 6:30 ay pupunta na ng kabilang building upang simulan ang programa sa pamumuno ni Headmistress Priscilla Golddane.
Nang makarating na ang lahat ng estudyante sa Yage Hall dito ginaganap ang lahat ng pagpupulong sa paaralan. At kapag may inter-magic school competition. Ito ay malaki, tila isang hacienda. Namangha agad si Nyx sapagkat ngayon lang nya nakita ang parte na ito ng paaralan.
"Napaka laki naman nito." sabi ko, namangha dahil sa laki ng lugar.
"Oo dahil ginawa ito ng may-ari ng Trefonia Academy na katumbas ng 2 malalawak na kapatagan sa probinsya ng Yagedora Kingdom. Na may lawak na mahigit 20,000 hectares."
'All students of Trefonia Academy, you must go inside of the hall immediately... thank you' may nagsalita at agad kami pumunta sa hall, ginamit na namin ang teleportation magic namin.
"Sige punta na kami sa likod ng Hall. I'm pretty excited" sabi ni Chantelle.
The event will start in 10 minutes according to the host...
Nagperform na ang mga masters, average and now... the primes
"Ladies and Gentlemen, Zaps and Fairies, let us all welcome, The Primes!" at may lumabas na 6 na bola kung saan nandun sila Blaze, Garnet, Chantelle, Azure, Nephyr, and Daphine.
Unang nagpop yung waterball ni Garnet at biglang nagkaroon ng waves sa likod ni Garnet at kinain sya nito, pagkalabas nya ay iba na yung damit na suot nya, naka-royal blue gown na siya at may tiara na suot agad namin syang pinalakpakan. Sumunod naman si Azure. Agad syang gumawa ng isang rose na gawa sa tubig at ibinigay sa isang babae, di ko alam kung pano nangyari iyon, at nung hawak na ng babae yung rose ay naging yelo ito. Crystal rose. Pagkatapos ay pumadyak siya at may umangat na tubig sa kanyang katawan na nagpormang trono at may hawak siyang trident. Para siyang si Poseidon!
Pumasok ulit si Garnet gamit ang isang water ball, inalalayan naman siya ni Azure. Gumawa si Garnet ng isang fountain at dalawang throne, ginawa namang yelo ni Azure ang mga ito. Pinitik nila ang kanilang mga daliri at napaligiran muli sila ng tubig, nang humupa yung tubig lumabas muli sila at terno ang kanilang damit, icy blue flowing gown for Garnet, and icy blue coat and white pants for Azure.
"They looked like the king and queen of La Aqua." sabi ng katabi ko na sa tingin ko ay isang water master.
Nagbow ang dalawa at lumabas naman si Nephyr na nakasakay sa isang thunderstorm cloud, gumawa sya ng isang lightning bow at arrow, at isang malaking thunderstorm cloud, pinana nya iyon at umulan ng purple and yellow flowers.
Kinilig yung mga babae sa tabi ko, parang nasapian lang.
"Oh my gee! Nephyr! Marry me!" wtf?
'Kala mo naman papansinin 'to ni Nephyr.' at nakita kong nakatingin sa akin si Nephy at mahinang tumawa, alam kong nabasa na naman nya yung utak ko.
Nagpatuloy siyang magpakitang gilas. Lumabas naman si Crimson at napalibutan sya ng mga thunderclouds. Agad namangha ang mga nanonood, dahil nung lumabas ang kidlat sa mga ulap ay nag-iba ang damit na suot nya.
"She's so beautiful." Sabi ng lalaki sa likod ko, mukhang nabihag ni Crimson ang lalaking ito.
Gaya ni Garnet at Azure nagperform din sila ng magkasama. At sumunod naman sa kanila sila Chantelle at Chaol. Ang cute nilang tingnan. Para silang magjowa dahil sa terno nilang damit, habang pinalibutan si Chantelle ng mga bulaklak, si Chaol naman ay napaligiran ng mga ugat ng puno. Nawala silang dalawa at nagkaroon ng isang malaking punungkahoy sa hall. Bigla itong kuminang at nakita naming ang dalawa ay nasa pinakataas na sanga at nakaupo sa mala-tronong upuan na gawa sa ugat.

BINABASA MO ANG
Trefonia Academy: School of all Magics
FantasiaNyx Evarine Moonclaw, 18. Kakatapos ko lang grumaduate. Pero ano ito? Nagulat sa narinig na usapan ng kaniyang ama at lola. Anong powers? Anong magic? Anong magical academy? Ano ito?! She will face a new world, where she truly belongs... Trefonia Ac...