Chapter 9

26 2 6
                                    

Kagaya kahapon ay maaga akong nagising, siguro ay nasasanay na ako. Pang-apat na araw ko pa lang dito pero tila sanay na sanay na ako.

Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Hindi ko pa rin totally maimagine na grey na ang buhok ko. In state of shocked pa din ako.

Itinirintas ko ang mahaba kong buhok na color grey. Lumabas na ako. Pagkalabas ko ay wala pa sila. Kaya nagdecide akong pumasok sa study room at binasa ang Elemental Magic Book.

Habang nagbabasa ako ay may naramdaman ako na hindi na lang ako ang gising sa amin. Tiningnan ko ang labas ng study room, pero wala pang tao. Baka guni-guni ko lang. Kaya bumalik na lang ako. Maya-maya pa ay may kumakatok. Si Nephyr.

'Siya ba yung naramdaman ko kanina?'

"Oh? Ang aga mo ah?" Pambati niya. "By the way, good morning. Can I join you here?" At tumango naman ako.

"Good morning. Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko.

"Mga 10 minutes ago." Sabi niya.

"Edi ikaw yung naramdaman ko?"

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan nyang tanong.

"May naramdaman kasi ako kanina na may ibang presence maliban sa akin." Sabi ko.

"Huh? Eh kung naramdaman mo nga ako. Ang layo naman ng room ko sa study room. Naramdaman mo iyon?" Tanong ulit nya.

'Naramdaman ko iyon? Pero na-feel ki talaga na may gising na presence sa paligid ko.'

"Tell me, paano mo naramdaman?"

"Ahh... eh di ko ma-explain eh." Sabi ko naman. Siya naman ay nagbigay ng magulong ekspresyon. Tila may alam siya pero hindi siya sigurado. Tapos parang masaya sya na ewan.

"Para bang may naramdaman ka na may nagbago sa hangin? O may gumagalaw sa akin?" Tanong niya at inalala ko naman yung naramdaman ko kanina.

"Oo, parang ganon nga. Parang habang kumikilos yung tao nararamdaman ko yung hangin na nakapalibot sa kanya, na gumagalaw." Sabi ko at hindi siya makapagsalita.

"You... you just c-control t-the..." he stutter.

"I control what?" Tanong ko.

"You j-just control the Aero Movement..." at biglang pumasok si Garnet.

"Garnet."

"Aero Movement?"

"Yes. Aero Movement or Air Movement. You'll feel and you can control the air within your perimeter. And kung naramdaman mong gising o gumagalaw si Nephyr kanina at ang kwarto ni Nephyr is 6 meters away from the study room, ay sa tingin ko ay 10-meter radius ang kaya mong maramdaman at control-in." Paliwanag ni Garnet.

"You can control it. Pwede mong patigilin ang hangin sa paligid niya para mapatigil siya sa paggalaw, may similarity ito sa Levitation." Dagdag niya.

"What are you guys doing here?" Biglang tanong ni Chantelle. At ngayon ko lang napansin na hindi nagbago ang kulay ng buhok nila.

"Ah may binasa lang. Teka, bakit hindi na nagbago ang kulay ng buhok nyo?" Tanong ko at biglang dumating si Blaze.

'Sheet of paper. Ang gwapo niyaaaa!!! Ang hot niyang tingnan like his blazing hot niyang magulong buhok...'

WAIT?! WTF?! HA?! ANO DAW?! ADIK KA BA NYX?! PSH! ANONG PINAG-IIISIP MO?!?

"Since alam mo na naman ang totoong kulay ng buhok namin ay hindi na namin ito itatago." Sabi ni Nephyr.

Trefonia Academy: School of all MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon