Dawn's PovMaaga akong nagising ay hindi,hindi pala ako nakatulog dahil excited na akong makilala ang magiging kapatid ko which is stepbrother.
Marami ang tumatakbo sa utak ko marami akong tanong na ngayon masasagot. Tinatanong ko sa sarili ko kung mabait ba siya tulad ni tito francis? nagmana ba ito sa ama? Gwapo rin ba?. Sana maging mabait siya sa akin. Sana magkasundo kami. Sana rin di niya ako pandirihan sakali mang malaman niyang pusong binabae ako.
Naku dahil sa di ako nakatulog kagabi siguradong tutubuan ako ng pimple dito. Pero syempre maalaga ako sa face ko ito ang panlaban ng lola niyo. Choossss. Baby face kaya ako. Opss kokontra ka??.
Marami rin nagsasabing mukha daw akong babae. Kasi nga mukhang babae ang mukha ko at pati pangangatawan parang babae rin. Hindi rin ako binabalbas makinis ang mukha ko. Wala rin akong mga buhok sa hita at sa kili-kili syempre inaahitan ko. Hehe.
Kapag namamasyal ako sa mall, napagkakamalan akong babae,kesyo ang ganda ko daw at ang kinis ng kutis tsaka maputi na parang babae. Syempre tanggap ko yan, kayo tanggap ba ng lola niyo? Eh malay ko ba kung maraming nagsasabi niyan.
Marami ring lalaking tulo laway pag nakita ang beauty ko. Epal lang haha. Insert pabebeng felingerang palaka. Hehehe. Pero totoo maraming lalaki ang naakit ng beauty ko hindi naman sa ipinagmamayabang. Kaso hindi pa naman ako permanenteng baklush dahil minsan naman may natitipuhan akong babae. Kaso hangang tipo lang. Parang crush kumbaga. At wala rin naman akong balak makipagrelation.
Kaya ito always single hehe. Aba malay ko ba,kung bakit ayaw kong pumasok sa mga relasyon dahil ayaw ko naman na sa huli, masasaktan lang ako, iiyak,iiwanan at ipagpapalit sa iba. Tawag doon ayaw kong masaktan. I don't know but im so afraid, i am afraid that in the last ako lang ang nagmamahal. Afraid ako dahil marami akong pagdadaan if mangyari yon. Gusto ko pag nagmahal ako siya na yung first and last ko. Yung tipong tingin mo sa kanya biglang babagal ang oras at parang siya lang yung taong nasa paligid mo, tipong blured ang paligid maliban sa kanya sa unang tingin mo. Gusto kong maranasan yan. May natitipuhan ako kaso hindi siya yung tipong gusto ko talaga.
Anyway wala pa naman ako sa mood para makipaglandian sa iba. Kahit hindi naman ako malandi. Hehe.
Ako pag nagmahal ako, gusto ko yung mahal din ako at ipaparamdam na kahit anong mangyari lagi lamang siyang nasa tabi ko. Every sec,min,hr,day,month,year,gusto ko lagi niya akong dadamayan sa lahat ng Lungkot at saya maging sa problema. Kaso naiisip ko na sa panahon ngayon. Kumbaga pag nagmahal ka laro-laro na lang. Wala na yung tipong seryosohan.
May iba nga s*x lang ang habol sa mga magiging karelasyon nila. After that iiwan na matapos mapagsawaan. Kaya ako ay naku ingat na lang sa akin. I keep my virginity safe. Ayaw ko naman mawala ang pagkabirhen ko dahil sa isang pagkakamali lang. Naku malilintikan ako kay birheng maria pag nagkataon. Baka tanggalan niya ako ng matress. Oo nga pala wala naman pala akong matress. Assuming lang mga bhess. Masyado kasing felingera ang lola niyo.
Anyway bakit nga ba napunta dito yung usapan. Naku! Anlawak kasi ng mga iniisip ko. Back to normal. Kahit mukha naman akong abnormal.
Dahil hindi naman ako nakatulog kagabi napagpasiyahan ko nang maligo ng maaga. Alas 8:45 na ng umaga at bandang 10 kami susunduin ni tito francis.
After how many years sa banyo. Pero charing lang. Tumagal ako sa banyo ng isang oras syempre dapat maging pleasurable,delightful,benign,pleasant cheerful conducive basta kaaya-aya ako sa paningin ng stepbrother ko mamaya.
BINABASA MO ANG
Kuya,Bakit ako?(bxb)
Teen FictionPaano kung ang itinuring mong kapatid ay magpakita ng motibong may gusto sayo ito. At ikaw naman ay tanging mga tanong sa sarili at pagkalito kung anong katauhan ka. Halina't samahan natin sina Dawn at Reymond sa kanilang kwento. Kung saan susubukin...