Chapter 1

67 3 0
                                    

Rhyjen's Point of view


While i was walking and observing around. Napaisip ako, ano ba ang talent na meron ako? Sasayaw ba ako? Kakanta ba? I still don't know my talent, dahil lagi nalang kaming tutok sa lessons at assignments. Parang araw-araw may project sa amin.

Napabuntong hininga na lang ako, wala naman ako sa tamang lugar pa para pag isipan yan. May quiz pa kami sa Math ngayon.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng room namin kaso napansin kong, bat ang ingay? Pagkabukas ko...

WHAT?! Teka? Room ba namin ito? Bat ang gulo at ang ingay?

*poink*

"ARAY NAMAN!!!!" sigaw ko kay Rocky nang matamaan ako ng papel na ibinabato nya. Tama, room namin toh, pero bakit ba ang ingay? Tae naman! Pano ako makakapagreview! Minsan na nga lang ako maging masipag ehh charotism!

"HAHAHA! SORRY JEN! MINSAN LANG TOH! " sagot saken ni Rocky, huh? si Rocky ba talaga yun? Kala ko ba puro libro lang hawak nyan, sya pa ang naturingang bookworm sa amin. Tas ganyan ugali nya? Ano ba talagang nangyayare? Mygashhh!

I just directly sat on my seat, and bowed my head. But it didn't work.

"Oy Ayesha, ano bang meron? Bat wala pa ang History teacher natin? At bakit naging takas mental mga kaklase natin? Anong nangyayare?"
Tanong ko sa katabi kong si Ayesha.

"Ahh yun ba, ewan ko din eh, dumating kasi kanina yung History teacher natin pero sya ang nagpasimula ng mga yan. Nambato sya ng papel sa mga classmate natin tas ayun, tawa nalang sya ng tawa sa harap. Hanggang sa nakitawa na din yung iba nating kaklase. Hanggang sa naging ganyan na. Ang weird noh?" Sagot nya at bumalik na sya sa panonood ng KDrama. Top 2 namin yan pero ngayon ko lang yan nakitang nanunuod ng KDrama. Siguro nakain na din ng sistema. Kahit nga ako, may pagkahilig sa KPOP. I LOVE BTS. mahal ko si Jimin enebe *insert abs*

[A/N: HOY! AKEN LANG SI JIMIN, WAG MO AGAWIN, BAKA MAMAYA MAWALA KA NA SA STORY NA TOH AT MAG END NA AGAD. IPAPABALAT KITA NG BUHAY. BWAHAAHHA!CHAROT LANG LAB KITA. WAG MO LANG AGAWIN SI JIMIN KO. OKAY BYE. EPAL LANG SI AUTHOR.]

(Backtoreality) 

Napatango tango na lang ako sa sinabi niya. Yeah that's so weird, bahala na nga.

Kinuha ko na lamang ang Lecture Notebook ko sa Math nang biglang nagsibalikan ang mga kaklase kong nasa labas at nagmamadaling bumalik sa Classroom.

Kasabay ng pagpasok ng DA Teacher namin na mukhang galit na galit. Sinasabi na nga ba! Gash?! What have they done! Ngayon ko lang narealize na Vice President pala ako! At baka masangkot ako sa kaguluhang toh! At Bilang isang Vice President here, i have a responsibility in this room. Bat ba kasi hinayaan ko lang sila! Lagot ako netoh!

Lumingon-lingon ako sa paligid at napansin kong wala ang President namin.

"Nasan si Jianne?" Tanong ko kay Klyde na katabi ko sa Kaliwa.

"Napaalam saken na pupunta lang sa CR" sagot nya.

WTF?! Alam kaya niyang nagkakagulo na dito sa room?! Pag wala pa sya, siguradong ako ang masesermonan nito!

Galit na Galit na pumunta ang DA Teacher namin sa Harapan, umuusok pa ang tenga at ilong nito na parang toro.

"CLASS 6-A!!!! WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING?! AND WHERE IS YOUR PRESIDENT HERE?!" Galit na galit na tanong ni Sir Binanatan A.K.A. The DA Teacher.

"U-uhm Sir, Pinatawag po sya ng Math P-President kanina" sabi ni Pristie ang Secretary ng klase at Bestfriend ni Jianne.

Wow ha?! Kala ko ba nag-CR lang si Jianne, at bakit parang pinagtatakpan nya si Jianne dahil sa Kinikilos nya? Bakit ba ang sama ng kutob ko?! Juicecolored! Napaka advance ko naman mag isip, nakagawa na agad ako ng theory kung bat ako ngayon ang sesermonan ng DA Teacher namin.

Founded My SerendipityWhere stories live. Discover now