Doce

721 12 1
                                    

"Alam niyo ba kanina? Ang galing ni Ate Lian ng cross magellan! Sana di nalang namin siya tinuruan." daldal ni Aria habang patapos ng kumakain. Humalakhak din siya sa kaniyang sinabi.

"Talaga? Di ka marunong noon, Lian?" manghang sabi ni Ate Mel.

I eyed Enrick but his gaze was in the food. Tsk. Patay-gutom.

Umiling ako, "Kanina lang ako natuto."

"Ilang taon ka na nga ba, Hija?" sabat ni Nanay.

"Turning nineteen this September po." I politely said.

"Halos magkaedad lang pala kayo ni Enrick."

I don't care kung halos magkaedad kami. Now what?

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Wala pa si Tatay ngayon, sabi ni Ate Mel overtime raw ang Tatay ngayon kaya mamaya alas diez iyon darating. Alas otso palang ngayon.

"Ilang taon na ba si Aria, Nay?" di ko mapigilan ang sarili kong mang-usisa.

Tapos nang kumain si Aria at kami nalang ritong apat ang natirang kumakain.

"Siyam na taong gulang lang iyan si Aria. Si Melissa naman, bente dos. Si Enrick naman ay magbebente ngayong Agosto." paliwanag niya.

Si Aria lang naman ang tinatanong ko.

"Dito ka ba mag-aaral? Kolehiyo ka na ba?" tanong ni Ate Mel habang tinatapos ang kaniyang kinakain.

I glanced at Enrick. And bagal niya atang kumain. Binilisan ko ang aking pagkain. Alam ko, mang-iinsulto na naman 'to.

"Yes, dito ako mag-aaral ng kolehiyo. I graduated on Senior High School last April." I stated.

"Ate, Si Donny oh!" sigaw ni Aria galing sa sala na nanonood ng tv.

Agad na kumaripas ng takbo si Ate patungo sa sala. Nakita kong umiling si Enrick. Tapos na rin si Nanay na kumain. Aba!

Halos isubo ko na ang kanin sa bibig ko. Walang ulam ulam. Pinagkasya ko sa bibig ko ang limang kutsarang kanin. I do have this uneasiness towards him.

"Akala ko ba ayaw mo sa kanin namin? Ba't ka kumain?" ngisi niya.

I knew it! Talagang aasarin lang ako ng gunggong na ito. Bullshit.

Tinapos ko na ang pagkain ko at nilagay iyon sa lababo. Hindi ko nalang siya pinansin baka makakapatay ako ng tao, mamatay kapag natutulog na ang mga tao rito.

Dumiretso ako sa kwarto at agad na nagbihis. Buti at nilock ko baka pumasok na naman ang manyak na Enrick na 'yon. Nakakainis talaga siya!

Nagsuot ako ng isang sleeveless na kulay black at pajama na may print na spongebob. Ang cute kaya ni Spongee. Cute sapakin at ipakain sa kaibigan niyang starfish na si Patrick.

Humilata na ako sa kama at tumingala sa kisame. Ni-off ko na ang bombilya. Kumusta na kaya sila sa Maynila? Hindi pa ba nila ako hinahanap? Sabagay, kung hindi ako importante sa kanila talagang wapakels sila sa akin.

Nilagyan ko ng kumot ang aking katawan. Kahit walang aircon dito sa bahay ay bakas na bakas pa rin ang lamig dito. Kumpara sa Maynila, lumalamig lang kapag tag-ulan o di kaya'y naka-air-con. Iba sa probinsiya. Iyong tipong gustong-gusto mong balikan kasi di mo iiwan.

Maya-maya ay bumukas ang pintuan at nakaramdam ako ng pagsarado. Narinig kong bumukas ang cabinet kaya nilingon ko na ito.

Mula sa liwanag ng buwan ay nakita ko ang isang matipunong lalaki. Nalaglag ang panga ko nang makita ko ang kaniyang expresyon. He's cold enough to be attractive and attractive enough to be cold.

Biglang namawis ang aking mga kamay. Kailan pa ako naging pasmado? Sht. Kadiri ako. Ang lagkit kaya pasimple kong pinunas iyon sa aking pajama.

"Anong tinitingin-tingin mo riyan?" supladong sabi niya sa akin habang sinusuot ang isang sando.

Gwapo ka? Lakas ng apog mo. You're just a disgusting unfortunate. Tss. Di tayo bagay.

"What? You're sleep walking, boy. I was just

Taming The Untamed Villain [Ongpauco Inheritor Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon